^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (39)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

"MATAGAL na akong naghahanap ng isang makapagpapalakas dito sa club ko. Nang makita kita kanina, parang ikaw na ang hinahanap kong iyon, Che…" Ang tinig ni Mr. Lee ay nanghihikayat.

"Ayaw ko po bosing," sabi ko.

"Wala ka namang gagawin, Che. Basta parang nagmomodelo ka lang. Lalakad sa entablado kasama ang ibang babae, ganoon lang…"

"Magagalit ang inay ko bosing."

"Alin ang gusto mo, magalit siya o maipagamot siya?"

"E pag gumaling po siya, babalik din naman siya rito sa club."

"Kung tatanggapin ko pa siya. Sabi ko nga sa iyo, naaawa lang ako sa kanya kaya patuloy siyang narito."

Hindi ako nakapagsalita. Maaaring hindi na nga tanggapin ni Mr. Lee si Inay. Maaaring ang hindi nito pagpasok dahil sa pagkakasakit ang gawing dahilan para hindi na tanggapin pa. May butas na.

"Matutulungan ko na kayong mag-anak, matutulungan mo rin ako na palakasin ang "Black Roses". Ano Che?"

Gulung-gulo ang isip ko. Saan ako tatakbo. Parang nakokorner ako ng pagkakataon.

"Wala namang problema sa pag-aaral mo dahil sa gabi naman dito ang trabaho. At gaya ng sabi ko, ilang oras lang ang ilalagi mo. Madali pa ang trabaho dahil parang magmomodel ka lang…"

Parang ayaw kong maniwala sa sinasabi niya dahil sa pagkaalam ko, naghuhubad talaga si Inay sa club na ito. Natatandaan ko pa ang sinabi ni Mang Angel, na halos nakita na niya ang "langit" nang mapanood dito si Inay.

"Hindi lahat ng babaing narito ay bumubukaka, kung iyan ang nasa isip mo, Che."

Nagulat ako dahil tila nahulaan ni Mr. Lee ang iniisip ko.

"Mali ang paniwalang basta sa club ay may naghuhubad. Hindi lahat. Hindi rin naman lahat ng babaing narito ay "nagpapaano". Hindi lahat ng babae sa club ay masama."

Totoo ang sinabi ni Mr. Lee sapagkat si Inay mismo ang nagsabi na hindi siya "nagpapagalaw". Paghuhubad lang talaga ang ginagawa niya.

"Ano Che?"

"Uuwi po muna ako, Bosing, kasi kailangan ni Inay na madala sa ospital."

"Sige."

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANO CHE

BLACK ROSES

INAY

MAAARING

MANG ANGEL

MR. LEE

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with