^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-24 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

GAYA minsang doon kami pinatulog ni Inay sa kuwarto nina Aling Maring. Napansin kong ako na naman ang tinitingnan ni Mang Angel. Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya ng deretso, nakikita ko sa sulok ng aking mata na titig na titig siya sa akin. Ano ba ang nakikita niya sa akin? Naka-t-shirt ako at puruntong shorts. Hindi naman gaanong nakalantad ang hita ko sa puruntong. Hindi rin naman ako nakabukaka kung umupo. Lagi ko ngang sinusunod ang bilin ni Inay na huwag paburara kung umupo at baka masilipan.

At nakita ko kung saan nakapako ang tingin ni Mang Angel, dito sa malalaki kong boobs! Hindi pa naman ako nagba-bra sapagkat, hindi pa naman ako dalaga. At saka ano ang ibibili ko ng bra? Hindi ko naman maaaring isuot ang bra ni Inay.

Nadiskubre kong ang aking mga boobs ang ninanakawan ng tingin ni Mang Angel nang minsan isang gabi ay lumapit sa akin si Aling Maring at iniabot ang hiniram sa aking ballpen. Nang iabot niya ang ballpen ay nakita kong titig na titig sa mga boobs ko si Mang Angel. Dahil doon kaya kinipit ko ang aking boobs.

Malaki nga kasi ang mga boobs ko. Gayong Grade 5 pa lamang ay umaalagwa na at halatang-halatang magiging malalaking mga "bundok". Nakikita na ang palatandaan ng malulusog na bundok.

Nang minsang pagbilinan muli kami ni Inay na kina Aling Maring muli matulog ay kung anu-ano ang dahilang sinabi ko kay Inay. Hindi kami makapag-aral ng leksiyon ni Donna sa kuwarto nina Aling Maring sapagkat mainit. Kesyo maraming lamok. Kesyo nakakahiya sa mag-asawa. Hindi ko sinabi ang dahilan na natatakot ako kay Mang Angel dahil sa masakim at mapagnasang pagtitig sa aking mga boobs. Hindi ko rin sinabi na parang nanghuhubad si Mang Angel kung makatingin lalo na kung tumutungga ng "bilog".

Pero dahil nga hindi ko masabi ang dahilan, si Inay pa rin ang nasunod. May katwiran naman kasi kung bakit kailangang doon muna kami matulog kung gabi. Uso ang akyat bahay at hindi lang pagnanakaw ang sadya kundi niri-rape pa ang babae kapag natiyempuhang nag-iisa sa bahay.

"Delikadong mag-isa kayo rito. Doon sa kuwarto nina Maring, ligtas kayo," sabi ni Inay.

Gusto ko nang sabihin na hindi naman ako ligtas sa pagnanasa ni Mang Angel. Kaya lamang ay hindi ko masabi iyon. Kaya doon pa rin kami natulog sa kuwarto nina Aling Maring. Bahala na. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALING MARING

ANGEL

GAYONG GRADE

INAY

KAYA

KUNG

MANG ANGEL

NAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with