Salamat, hinango mo ako sa putikan! (20)
May 5, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)
NAWALAN ng makakapitan si Inay sa pagkawala ni Lola. Hindi niya inaasahan na ang ilang araw na paghiga ni Lola dahil sa karamdaman ay kamatayan na pala ang kahahantungan. Nadala pa sa ospital si Lola pero huli na. Pulmonya ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Nang mailibing si Lola ay parang hilong talilong si Inay kung ano ang gagawin para kami mabuhay. Saan ba magsisimula? Palibhasay nasanay na mayroong inang tumitingin at nag-aasikaso sa amin ni Donna, hindi agad niya maisip kung paano ang umpisa ng buhay na walang ina.
Hindi lamang pala ang dagok na pagkamatay ni Lola ang mararanasan namin.
Anim na buwan makaraang mamatay si Lola ay giniba ang mga kabahayan sa aming lugar, kabilang ang sa aming bahay. Ang dahilan: illegal squatters daw kami. Bumaba na raw ang utos ng Korte na idemolished ang mga bahay.
Ang pagkaalam daw ni Inay ay sarili nina Lolo at Lola ang bahat at lupa, hindi pala
Nilisan namin ang lugar na iyon na hindi alam kung saan pupunta.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended