^

True Confessions

Salamat. hinango mo ako sa putikan! (Ika-9 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

MAHIRAP ang kanilang pamilya at ang paraan na lamang para mahango sa kahirapan ay ang makapag-asawa ng mayaman. Sabi raw ni lolo at lola, gamitin na ang ganda ng mukha para mahango sa kahirapan. Pumili na ng mayaman at guwapo. Kung mayaman ang mapapangasawa sigurado ang pag-asenso sa buhay at guwapo at magaganda ang magiging mga anak.

"Nagsasawa na kami sa hirap anak, kaya dapat kung mag-aasawa ka piliin mo na ang mayaman," sabi raw ng kanyang ama. Ang kanyang ama ay dating drayber ng pampasaherong dyipni pero nang magkasakit sa baga ay tumigil na sa pamamasada. Hindi na kaya ng katawan.

Ang kanyang ina na lamang daw ang bumubuhay sa kanila sa pamamagitan ng pagtitinda ng gulay sa palengke. Kung minsan ay wala pang kinikita dahil madalas itaboy ng mga pulis. Kinukumpiska pa ang tinda. Wala kasing sariling puwesto.

Mabuti na lang at nag-iisang anak si Inay kung nagkataon na marami sila, baka hindi na malaman ng kanyang inay ang gagawing paghahanapbuhay para may maipakain.

"Mayaman ba ang nanliligaw sa’yo anak?" tanong daw ng kanyang ina noon.

"Sabi po niya."

"Mahal mo?"

"Opo."

"Sawang-sawa na kami ng itay mo sa hirap, anak, wala nang magandang paraan pa para makaalis sa kahirapang ito kundi ang makapag-asawa ka ng may pera…" ilang ulit nang sinabi sa kanya iyon. Laging ipinaaalala.

Desperado na raw talaga ang kanyang ina dahil sa kahirapan ng kanilang buhay. May pagkakataon pa ngang walang maibigay na baon sa kanya kapag pumapasok.

"Mahirap talaga ang buhay namin noon kaya siguro nga ay agad akong nagkagusto sa iyong ama na isang mayaman. Pero sa bandang huli pala ay lolokohin lamang ako. Iiwanan din lamang pala pagkatapos…

Mabuti raw at hindi na nakita ng aking lolo ang kinasapitan niyang buhay. Namatay daw ang aking lolo dahil sa cancer sa baga. Ang aking lola raw ay walang tigil sa pag-iyak dahil sa pagkamatay ni lolo.

"Mabuti at hindi na nakita ng aking ama ang mas lalo pang hirap na dinanas ko sa iyong ama…"

At nakita kong lumuha si Inay.

(Itutuloy)

BATAY

IIWANAN

INAY

ITUTULOY

KANYANG

KINUKUMPISKA

LAGING

MAHIRAP

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with