Darang sa Baga (Ika-155 na labas)
February 14, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
GULAT na gulat si Inay nang makita ako.
"Gabing-gabi ay napasugod ka?"
Hindi ako sumagot. Nang makapasok ako sa loob saka sinabi ang lahat. Wala na akong inilihim. Ano pa ba ang dapat gawin sa pagkakataong iyon kundi sabihin ang totoo?
"Diyos ko, bat mo naman nagawa iyon e ang bait na ng asawa mo?"
"Natukso ako Inay. Nadarang. Tao rin naman ako at mahina. Huwag mo na akong sisihin puwede?"
Pero hindi mapigil si Inay. Nanghihinayang sa nangyari. Para bang gustong sabihin na nasa banig na ay bumalik pa sa sahig.
"Sana nilabanan mo ang lahat. Sana ay nagdasal ka "
Napailing-iling ako. Kung alam lamang ni Inay ang sitwasyon.
"Intindihin mo ako Inay. Mahirap labanan ang tukso! Bukod doon, inapi pa ako ng dalawang anak ni Fil."
"Anong ginawa sayo?"
"Pinaghinalaan nila ako noong una na nanlalaki. Inaway ako. Tiyempo namang nagpunta si Carlo at inakit ako "
"Tinotoo mo na?"
Tumango ako.
"Nasaan ngayon si Carlo?"
"Umalis kahapon pero hindi pa nagbabalik."
Napailing-iling lamang si Inay.
"Dito muna ako, Inay. Habang wala pang magandang naipakikita si Carlo sa akin. Marami siyang pangako "
"Mas mabuti ngang dito ka muna natatakot ako sa ginawa mo Nena."
Napansin kong wala pa ang kapatid kong si Maricel.
"Si Maricel Inay."
"Wala pa. Naghahanap ng trabaho yon "
Naalala kong nangako si Fil na ipapasok si Maricel sa kompanya nila. Napabuntunghininga ako.
Ilang araw nang hindi nagpapakita si Carlo. Pero hindi naman ako kinakabahan at hindi siya nagpapakita. Para sa akin okey lang na wala siya.
Dalawang araw pa ang nakalipas at napanood namin ni Inay sa TV ang tungkol sa isang lalaki na pinatay dahil sa onsehan sa droga. Ang lalaki ay walang iba kundi si Carlo! (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 25, 2026 - 12:00am