^

True Confessions

Darang sa Baga (151)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

MABIGAT ang utos ni Fil. WALA raw akong dadalhing gamit sa pag-alis. Ang tinig niya bagamat utal ay naroon ang galit. At kung siguro’y makabababa lamang siya sa wheelchair baka kung ano na ang ginawa niya sa akin dahil sa galit.

"L-lumayas k-ka n-na b-bago k-ko t-tawagan ang g-guwardiya a-at i-ipadampot k-ko k-kayo…"

Gimbal ako. Maaari niyang gawin iyon. Kilalang-kilala si Fil ng mga guwardiya sapagkat madalas niyang bigyan ng pera o regalo ang mga ito. Hindi magdadalawang utos si Fil sa mga guwardiya.

"Sorry Fil…," sabi kong muli sa ikatlong pagkakataon. Nagbabakasakaling Magbago ang isip.

"U-malis k-ka n-na w-walanghiya k-ka!"

Tinanggap ko nang maluwag ang lahat ng iyon. Ako ang may kasalanan.

Nang lumabas ako sa silid ay nakaabang na sa may pinto si Carlo.

"Anong sabi ng "inutil" mong alaga?"

"Umalis na raw ako at wala akong dadalhin ni isang gamit dito."

"Tangna niya. Gusto mo patayin ko na ang inutil na ‘yon?"

(Itutuloy)

ANONG

ITUTULOY

KASAYSAYAN

KILALANG

MAAARI

MANDALUYONG CITY

NAGBABAKASAKALING MAGBAGO

NANG

SORRY FIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with