^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-150 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

PINUNTAHAN ko si Fil sa kuwarto. Bahala na. Wala na akong pamimilian pa. Kailangang lapitan at kumbinsihin. Pero makukumbinsi ko kaya gayong nakita na ang katibayan ng kataksilan?

Bahala na!

Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ang seradura ng pinto. Pinihit ko. Bukas. Itinulak ko.

Bahagyang madilim sa loob. Tanging ang mapulang ilaw sa lampshade ang nakatanglaw sa silid.

Nakita ko si Fil sa dakong sulok ng silid. Nakatalikod. Nakatingin sa dingding.

"Fil!"

Walang sagot. Ni hindi gumalaw ang wheelchair. Baka tulog na. Baka patay na?

"Fil, sorry!" sabi ko at mabilis na lumapit sa kanya. Tinapangan ko na. Sa ganoong pagkakataon ay kailangang mailigtas ang sarili.

"Sorry Fil..."

Walang sagot. Ang totoo’y gising si Fil. Hindi lamang kumikibo. Masakit ang lahat.

"Di ba sabi mo Fil, kapag namatay ka, mag-asawa uli ako..."

"H-hindi p-pa a-ako p-patay N-nena. B-bakit p-pinagtaksilan m-mo n-na a-ako."

"Sorry Fil. Patawarin mno ako..."

"I-Ipinagpalit k-kita s-sa m-mga a-anak k-ko t-tapos a-ay g-ganito l-lamang a-ang i-igaganti m-mo s-sa a-akin.

"Fil!"

"W-walanghiya ka."

"Fil patawad."

"L-lumayas k-ka n-na. W-wala kang d-dadalhing g-gamit...

Gimbal ako. Ano ba itong ginawa ko?

(Itutuloy)

ANO

BAHAGYANG

BAHALA

BUKAS

FIL

I-IPINAGPALIT

MANDALUYONG CITY

SORRY FIL

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with