^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-148 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

ANG akala ko, wala nang katapusan ang ginagawa naming pagtataksil ni Carlo kay Fil. Meron pala. Tama pala ang kasabihang ang lahat nang masamang gawain ay may wakas. Si Fil mismo ang nakadiskubre ng lihim na iyon.

Mula nang pagalitan ni Fil ang dalawang anak dahil sa akin, hindi na sumilip ang mga iyon. Pabor sa akin. Masosolo ko na si Fil. Magagawa ko na ang gusto ko. Walang makapipigil.

Ang isang masamang nagawa ko, naging sunud-sunuran ako kay Carlo. Tinuruan akong unti-unting nakawan si Fil. Aywan ko kung bakit naging sunud-sunuran ako sa bawat ituro ni Carlo. Siguro’y dahil sa mahal ko na rin siya at sa pagkakataong iyon ay kailangan ko rin ang may karamay.

Ang mga alahas ni Fil ay unti-unti kong nakuha. Pero nilalambutsing ko muna si Fil saka inuungot ang mga alahas niya. Dahil mahal ako ni Fil, hindi makatanggi.

"B-basta w-wag m-mo akong iiwan…" sabi at marahang hahaplusin ang pisngi ko.

"Siyempre. Ba’t naman kita iiwan?"

"I-ikaw n-na l-lang ang inaasahan ko. W-wala n-nang m-nga a-anak k-ko…"

"Huwag kang mag-alala. Narito ako palagi…" saka hinalikan siya sa labi.

Tuwang-tuwa naman si Carlo nang makitang nauuto ko nang husto si Fil.

"Artehan mo pa at nang makuha mo na ang lahat. Tutal naman, hindi ka pamamanahan dahil "kabit" ka lang niya. Kunin mo na ang para sa iyo ngayon. Ipa-withdraw mo na lahat ang pera…"

"Natatakot ako Carlo."

"Sira ulo ka pala. Ngayon ka pa natakot…"

Pero unti-unti ko ngang nauto si Fil at nakuhanan ng pera.

Masyado kaming nagtiwala na hindi siya nakahahalata. Pero mali.

Minsang nagtatalik kami ni Carlo sa guest room ay may nagbukas ng pinto at tumambad si Fil. Nasa wheelchair. Walang kakurap-kurap sa pagkakatingin sa nakalatag na katawang hubad namin ni Carlo. (Itutuloy)

ARTEHAN

AYWAN

CARLO

FIL

MANDALUYONG CITY

NANG

PERO

SI FIL

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with