^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-138 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

NATITIYAK kong may kasunod pa ang pag-aaway namin ni Jen. At tiyak kong naisumbong na niya ang lahat sa kapatid niyang si Liza. Maaaring si Liza naman ang bumangay sa akin sa pagbalik bukas. Tiyak na hindi titigil ang dalawa para mapalayas ako sa condo.

Pinag-isipan ko ang lahat ng gagawin. Uunahan ko na sila kay Fil. Tiyak na isusumbong niya ako kay Fil. Hindi na niya pag-iisipan pa at hindi na rin nag-aalala na baka ang pagsusumbong niyang iyon ang maging dahilan para matuluyan ang ama. Baka nga gusto pa ni Liza na mamayapa na ang ama.

Pumasok ako sa kuwarto. Akala ko ay natutulog na si Fil. Hindi pa pala. Gising at nakikiramdam. At may hinala na ako na narinig niya ang pagbagsak ng mga gamit sa labas kaninang magpambuno kami ni Jen.

"Ba’t gising ka pa?" tanong ko. Iniwasan kong mapatingin siya sa gawing taynga ko. May galos ako roon.

"Na-nagulat a-ko. M-may bu-bumagsak sa s-alas. Ano ‘yon?"

Narinig nga niya.

"Wala. Natabig ko lang ang baso na nasa may TV."

"P-parang m-may n-nag-aaway d-dahil m-malakas a-ang k-kalabog s-sa s-salas…"

"Wala iyon. Matulog ka na uli."

Sumunod si Fil.

Kinabukasan, may sinabi ako kay Fil. Tapatan na.

"Fil huwag kang magagalit ha?"

"A-anong ibig m-mong sa-sabihin?"

"Natuto na akong manigarilyo. Kasi hindi ako makatulog kung minsan. Tapos nang manigarilyo ako, mabilis na akong makatulog."

"M-asamang b-bisyo ‘yan."

"Huwag kang magalit ha?"

Tumingin sa akin.

"H-hindi. Si-sige l-lang k-kasi ppang-a-alis d-din ng t-tension ang p-paninigarilyo. S-saka p-pagod na p-pagod k-ka d-dahil s-sa p-pag-aalaga sa a-akin…"

Napangiti ako nang lihim. Tiyak na mailalampaso ko na naman ang magkapatid kapag nagsumbong sila kay Fil hinggil sa upos. (Itutuloy)

AKO

ANO

FIL

HUWAG

INIWASAN

MANDALUYONG CITY

TIYAK

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with