^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-135 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

NANG lumabas ako ng kuwarto ng umagang iyon ay panibagong problema na naman ang aking nakasalubong. Si Jen na naman ang kalaban ko. At sa pagkakataong ito’y gusto na akong durugin nang pino.

"May lalaki ka at dito mo pinatitira!" sabi at iniharang ang katawan para hindi ako makapunta sa kusina. Ihing-ihi pa naman ako. Sasabog na.

"Sabi ko na nga ba’t totoo ang una kong sinabi. Iyang hilatsa ng mukha mong ‘yan ay hindi gagawa ng mabuti. Mukha kang pokpok."

"Putang-ina ka Jen," sabi ko. Ano pa ba ang ipangingilag ko. At kahit magising si Fil ay hindi ako natatakot kung marinig niya.

"Putang-ina ka rin."

Pinilit kong dumaan para makapunta sa kusina pero iniharang niya ang katawan.

"Ano ba?"

"Aminin mo na. Kaysa naman malaman pa ni Daddy ang lahat na may lalaki ka at dito pa kayo nag-dudyudyugan…"

Inupakan ko ng sampal. Pero mintis. Ganoon yata kapag galit. Nawawala sa katinuan.

"Aminin mo na para hindi ka kahiya-hiya. Malandi kang babae ka."

Muli akong sumugod. Sinipa ko sa hita. Tumama. Muntik nang matumba.

"Hayop ka Nena!" sabi.

"Mas hayop ka!"

Gumanti rin ng sipa pero nailagan ko. Parang simaron sa galit si Jen. Gigil na makaganti.

"Ipakikita ko kay Daddy ang ebidensiyang may pinatutulog kang lalaki rito."

Hindi ako nakapagsalita. Parang dinaanan ng kabayo ang dibdib ko.

"Maraming upos ng sigarilyo sa guest room. Kaninong sigarilyo ‘yon?"

Hindi ako nakakibo.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AMININ

ANO

GANOON

GIGIL

MANDALUYONG CITY

NENA

PUTANG

SI JEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with