Darang sa Baga (Ika-109 na labas)
December 30, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
NAKATULOG si Fil makaraan kong painumin ng gamot. Paggising niya mamaya, saka ko paliliguan. Pagkatapos paliguan ay pakakainin at saka patutulugin muli. Ganoon nang ganoon sa araw-araw. At nakasanayan ko na iyon.
Nang inaakala kong tulug na tulog na si Fil ay saka ko ipinasyang lumabas. Sa haba ng oras ko sa kuwarto, imposibleng narito pa si Carlo. Umalis na marahil dahil sa inip. At kung narito man siya, ipagtatabuyan ko. Tatakutin ko. Sasabihin kong tatawag ako ng guwardiya.
Pero nang lalabas na ako ay ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa pagkakataong iyon. Bahala na.
Lumabas ako. Dahan-dahan. Sumilip muna ako sa salas. Wala. Hindi muna ako nagtuloy sa kitchen. Iginala ko ang tingin sa buong sala at siniguro kong wala na nga si Carlo. Wala talaga. Nakasara ang pinto. Isinara ko iyon kanina nang sapilitan siyang pumasok.
Nagpasya akong pumunta sa kitchen para maghanda ng kakainin sa lunch ni Fil. Pero bago ako tuluyang lumapit sa kitchen, siniguro ko muna kung may tao roon. Baka naroon si Carlo. Iginala kong mabuti ang paningin sa kabuuan ng kitchen. Wala talaga.
Nainip na nga siguro si Carlo dahil sa tagal kong lumabas. Mabuti nga. Pero bakit may panghihinayang akong nadarama. Pero ako na rin ang sumansala sa kung anuman ang nasasaisip ko. Dapat na maging matapat ako. Dapat kong ingatan ang ipinangako kay Fil.
Inihanda ko ang mga iluluto. Hinugasan ko ang mga kailangan sa pagluluto.
Nakaramdam ako ng pag-ihi. Nagtungo sa ako sa banyo. Ang banyo ay nahahati sa dalawa. May tabing na kurtina ang kabilang bahagi. Nakatapos na akong umihi at itinataas na ang panty nang biglang may yumakap sa akin.
Si Carlo!
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended