Darang sa Baga (Ika-64 na labas)
November 15, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City.)
MATIGAS ang sabi ni Fil na kapag pumun-ta muli si Jen ay huwag kong papasukin. Huwag pagbuksan ng pinto.
"Paano kung magwala?" tanong ko. Sa tipo kasi ni Jen ay hindi tatanggap ng pagkatalo. Matapang sa pakiwari ko.
"Hindi magwawala yon."
"Matapang siya sa tingin ko Fil. Natatakot nga ako na baka kung ano ang gawin at hindi ko naman mapigil ang sarili na hindi gumanti."
"Tawagan mo ako rito sa office kapag dumating siya."
"Anong gagawin mo?"
"Mabilis akong pupunta rito. Malapit lang naman ang office "
"Natatakot ako Fil. Tiyak ko babalik yon,."
"Huwag ka nang matakot. At para makatiyak ka na hindi na siya pupunta rito pagsasabihan ko. Pupunta ako sa bahay namin mamaya."
"Pero huwag mong kagalitan at baka ako ang pagbuntunan niya ng galit."
"Hindi."
Nang umalis si Fil ay tinawagan ko si Inay. Kailangan kong maibulalas ang nasa dib-dib ko. Sinabi ko ang mga nangyari. Napabuntunghininga si Inay makaraan akong magkuwento.
"Kung tumira kami sa bahay ng asawa at malaman ng anak niya tiyak na aawayin kami. Buti na lang hindi kami nakatira roon."
Tama si Inay.
"Mag-ingat ka Nena."
"Si Maricel Inay?"
"Nasa school."
"Si Carlo hindi na pumupunta riyan?"
"Hindi na. Ano na kayang nangyari sa kanya?"
Hndi ako sumagot.
"Hindi kaya nagpakamatay na?" (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended