^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-54 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

"ANG asawa mo – si …."

Hindi masabi ni Inay ang pangalan ni Fil.

"Wala pa Inay. Nasa opisina pa. Mamaya pang alas-otso ang dating niya."

"Delikadong nag-iisa. Malapit bang kapitbahay diyan?"

"Wala. Bagong subdibisyon kasi ito. Wala pang gaanong nakatira."

"Uso pa naman ngayon ang akyat bahay. Tapos pagnanakawan na e ginagahasa pa ang babae."

"Nakasarado naman ang mga pinto Inay."

"Wala ba kayong katulong?"

"Wala."

Iniba ko ang usapan. Ibinalik ko kay Carlo. Sinigurado ko kung talagang hindi nagpunta si Carlo roon.

"Hindi na nga siya nagpunta mula noong umiyak na parang bata… ewan ko kung anong nangyari na sa taong iyon," sabi ni Inay.

"Pero sigurado ba kayong walang nabanggit sa kanya kung saan ako nakatira?"

"Wala akong sinasabi sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung saan ka naka-tira e. Saan ba yang tirahan n’yo?"

"Novaliches."

"Ah."

"Si Maricel Inay nandiyan na?"

"Oo. Kararating lang."

"Sabihin n’yo pagbutihin ang pag-aaral…"

Nakarinig ako ng ugong ng sasakyan sa tapat. Sumilip ako sa bintana. Kotse ni Fil. Tinapos ko ang pakikipag-usap kay Inay.

"Nariyan na si Fil Inay…"

Ibinaba ko ang telepono at mabilis na lumabas para salubungin si Fil. Binuksan ko ang gate para maipasok ni Fil ang kotse sa loob ng bakuran. Nakatawa si Fil sa akin.

"Maaga ako. Wala pang alas-otso…" sabi nang makababa sa kotse. My bit- bit na supot. Pagkain marahil.

"Salamat. Kanina pa nga ako natatakot."

"Bakit?"

"Sa loob ko na ikukuwento…"

Nang nasa loob na ikinuwento ko ang mga naramdaman kanina.

"Hindi kaya may gus-tong magnakaw dito. Pakiramdam ko may sumusubaybay sa akin…"

"Sino naman ang susubaybay sa’yo?"

"Hindi ko alam."

"Naiinip ka lang marahil kaya naiisip mong may ibang tao," Sabi ni Fil at niyakap ako.

"Naguguluhan ako."

"Para malimutan mo ang takot, halika at kumain tayo. Bumili ako ng masarap na pagkain." Iyon ang nakalagay sa supot.

(Itutuloy)

AKO

BAKIT

BINUKSAN

FIL

FIL INAY

INAY

MANDALUYONG CITY

SI MARICEL INAY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with