^

True Confessions

Darang sa Baga(42)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
"BASTA kung pupun-ta uli si Carlo diyan, huwag mo nang pa-akyatin Inay…" sabi kong mariin.

"Bakit naman?" May pagtataka sa tinig ni Inay.

"Ayaw ko nang may maririnig pa sa kanya."

"Paano kung magpumilit?"

"Huwag kang papayag! Ikaw ang may-ari ng bahay. Mas makapangyayari pa ba siya?"

"Baka kung anong gawin kapag hindi ko pinapasok..."

"Inay naman tulungan mo ako at sarili mo. Hindi lahat ng oras ay dapat kang matakot."

Hindi na nagsalita si Inay.

"Si Maricel Inay nasaan?"

"Nasa bahay nag-aaral ng leksiyon."

"Sabihin mo sa kanya, pagbutihin niya ang pag-aaral at pag-graduate niya siguradong may trabaho na siya sa kompanya ni Fil."

"Hindi kaya siya pagtsismisan doon?"

Naiinis na naman ako kay Inay. Pawang negatibo na naman ang naiisip.

"Pag ‘yan ang inisip mo Inay, walang mangyayari sa buhay."

"Kasi’y baka ang kapatid mo ang maging kawawa dahil sa pagpatol mo kay…"

Hindi masabi ni Inay ang pangalan ni Fil. Pinutol ko na ang usapan namin at baka kung ano lamang ang masabi ko ay makapagsalita na naman ako nang masakit. Inulit ko lamang na kapag pupunta uli si Carlo ay huwag nang patuluyin. Isara ang pinto at magpakita ng inis para hindi na muling bumalik.

Eksaktong alas singko ay dumating si Fil. Niyaya niya akong kumain. Kahit na sinabi ko nang busog pa ako ay pinilit ako. Hindi raw kasi siya nagmeryenda kaya nagugutom na. Hapunan na ang kinain namin.

Eksaktong alas otso kami lumabas sa restawran. Nagyaya na akong umuwi. Palabas na kami sa mall nang makita ni Fil sa di-kalayuan ang isang babae, maganda, mga past 20 marahil.

Nagtaka ako nang tangkang iwasan ni Fil ang babae.

(Itutuloy)

AKO

AYAW

BAKIT

EKSAKTONG

INAY

MANDALUYONG CITY

NANG

SI MARICEL INAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with