Darang sa Baga (Ika-41 na labas)
October 23, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
"SINABI nyo na kay Carlo ang mga nangyari, Inay?" May nginig sa boses ko habang nagsasalita sa phone.
"Oo. Hindi ako makapagsinungaling. Galit ka Nena?" May pagpa-paumanhin sa tinig ni Inay.
"Hindi Inay. Mabuti nga at sinabi nyo na para tumigil na si Carlo."
"Pero hindi raw siya titigil at hahanapin ang tirahan mo."
Natigilan ako. Iyon ang iniiisip ko kahapon pang makita siya nang paalis naman kami ni Fil. Tiyak na hindi niya matatanggap ang nangyari. Matagal din kaming naging mag-on ni Carlo.
"Paanong sabi Inay?"
"Hindi raw siya naniniwala na mahal mo ang lalaki. Nang huli raw ka-yong mag-usap ay maayos pa. May usapan pa raw kayong kakain dahil birthday nga niya."
Hindi ako nakapagsalita. Totoo ang sinabi ni Carlo.
"Sinabi nyo kung saan kami nakatira ni Fil Inay?"
"Hindi. Paano ko naman sasabihin e hindi ko rin nga alam kung saan kayo nakatira. Saan ba kayo nakatira?"
Oo nga pala. Hindi alam ni Inay na sa Novaliches kami nakatira.
Sinabi ko ang lugar pero mahigpit kong ipinagbilin na huwag sasabihin kay Carlo.
"Alam ba niya kung sinong lalaki ang naging asawa ko?"
"Sa pakiramdam ko e alam niya kasi nang tawagan ka raw niya noong gabing magkikita sana kayo, ang manedyer mo raw ang nakasagot. Nag-oobertaym ka raw noon. Ikaw lang at ang boss nasa opisina."
"Paanong pagkakasabi niya?"
"Bigla raw nagbago ang pasya mo at ginusto mo pang mag-overtime gayong may usapan na kayong kakain dahil birthday nga niya "
"Ano pa?"
"Naawa ako nang bigla siyang umiyak. Parang bata. Mahal na mahal ka raw niya. Bakit daw nagkaganoon? Ang ganda raw ng usapan ninyo."
"Nakita ni Maricel ang pag-iyak ni Carlo?"
"Oo. Sabi nga ng kapatid mo, bakit mo nagawang palitan si Carlo?"
Nakadama ako ng inis kay Maricel. Mas pinanigan pa niya si Carlo. Kung alam lang niya na malaki na ang nagagawang tulong ng lalaking ipinalit ko kay Carlo.
"Matagal ba si Carlo sa bahay?"
"Hindi naman. Umalis na rin kaagad matapos umiyak."
Hindi ko alam kung maaawa o maiinis kay Carlo.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended