^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-36 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasayasayan ni Nena ng Mandaluyong City)

BAKA maghuramentado si Carlo kapag nalaman ang lahat. Diyos ko! Kahit na iwaksi ko ang tungkol kay Carlo at pasayahain ang sarili sa piling ng boss kong si Fil, hindi ko kaya. Si Carlo ang nagpupumilit sa akin at sa maaaring gawin.

Naiimadyin kong nagmamadali si Carlo sa paglalakad patungo sa amin. Siguro’y kalalabas lamang niya sa trabaho. Sa Sta. Cruz, Manila nagtatrabaho si Carlo. Siguro’y tumawag siya sa opisina kanina at baka may nakapagsabing hindi ako pumasok. Tiyak na nataranta kaya agad na sumugod sa bahay. Maraming beses na siyang nakapunta sa bahay at nakaharap si Inay.

Tiyak na hindi makapagsisinungaling si Inay kapag kaharap na si Carlo. Mahina si Inay. Tiyak na sasabihing kaaalis ko lang at kasama ng napangasawa. Sakay ng kotse at dala nang lahat ang mga damit.

Tiyak na mag-uurirat si Carlo at magsasalita pa nang magsasalita si Inay. Baka pati ang perang ibinigay ni Fil sa kanya ay ipagtapat. Diyos ko! Napabuntunghininga ako. Sunud-sunod.

"Ang lalalim niyan ah," sabi ni Fil na ikinagulat ko. Malapit na kami sa bahay ni Fil.

"Sinong naiisip mo?"

"Si Inay?"

"Si Inay o ang siyota mo?"

Hindi ako nakakibo. (Itutuloy)

vuukle comment

CARLO

DIYOS

INAY

MANDALUYONG CITY

SA STA

SI CARLO

SI INAY

SIGURO

TIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with