^

True Confessions

Darang sa Baga (32)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

HINDI ako sumagot kay Inay. Nagsimula na ang mga haka-haka.

"May asawa siguro siya kaya hindi ka mapapakasalan ano?" sabi pa ni Inay.

"Biyudo siya Inay," sagot ko.

"E ba’t ayaw kang pakasalan?"

"Wala pang linaw sa relasyon namin Inay…"

"Bakit?"

"Gusto ko siya ang magsalita ng tungkol sa kasal. Kung gusto niya ako e di magpakasal kami. Kung wala siyang balak, okey lang…"

Nakatingin lamang sa akin si Inay. Tila hindi makapaniwala sa panuntunan ko sa buhay.

Kinahapunan dakong alas-kuwatro ay dumaan sa bahay si Fil. Nang malaman ni Inay na dumating si Fil ay lumabas ng kanyang kuwarto at sa likuran nagdaan. Nahihiya siya kay Fil.

Nang nakaupo na sa sopa si Fil ay may palihim na iniabot sa akin. Alam ko pera iyon. Para kay Inay.

(Itutuloy)

ALAM

BAKIT

BIYUDO

INAY

ITUTULOY

KASAYSAYAN

KINAHAPUNAN

MANDALUYONG CITY

NAGSIMULA

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with