Darang sa Dagat (4)

(Kasaysayan Ni Nena ng Mandaluyong City)

MAGKASUNDO nga kami ng general manager na si Mr. Reyes. Siguro’y dahil sa sumasakay ako sa mga biro niya. Hindi ko pinapansin ang mga biro at ang mga paghaplus-haplos niya sa braso ko at pagtapik sa puwit. Okey lang.

"Talaga bang wala ka pang asawa Nena?" tanong niya kapag nakitang wala na akong ginagawa at malapit nang mag-uwian sa hapon. Ang opisina ni Mr. Reyes ay nasa dakong sulok ng building. Maski mag-usap kami nang malakas ay hindi maririnig ng mga empleado. At ang instruction ni Mr. Reyes ay lagi kong i-lock ang pinto para walang istorbo. Mayroon daw kasing basta na lamang pumapasok at hindi na kumakatok.

Sabi ko’y wala akong asawa pero may boyfriend.

"Boyfriend lang pala."

"Bakit Sir?"

"Wala naman. Naitanong lang."

Ipinagpatuloy ko ang paglikom sa mga papel na nasa mesa at inayos. Inilagay sa folder.

"Sinusundo ka ba ng boyfriend mo rito?"

"Hindi pa sir."

"Bakit?"

"Ayaw ko."

"Bakit nga?"

"Ewan ko. Basta ayaw ko."

Hindi nagsalita si Mr. Reyes. Nakatingin lamang sa akin. Nagtataka marahil sa mga sagot kong walang sense.

"Pero hindi ka na virgin?"

Tinanong na niya iyon noon.

"Hindi na sir."

"Yung boyfriend mo ang nakauna?"

"Hindi sir."

"E sino.?"

"Yung boyfriend ko nung high school."

"Marami ka na palang koleksiyon…" sabi at saka nagtawa.

Hindi ko magawang magalit kay Mr. Reyes at gusto ko siyang kausap. Ewan ko.

Itutuloy

Show comments