Nagbalikbayan sina Azucena noong 1996 at nanirahan sa Southridge Estates, Tagaytay City. Inatake ng aneurysm si Azucena noong 2003 at na-comatose. Mula 2003 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na inaalagaan si Azucena ng mga caregivers na kinuha ng kanyang asawa. Ang masaklap, natuklasang may relasyon si Dr. Victoria sa isa sa mga caregiver.
Nagsampa ng pe-tisyon sa Korte ang wa-long kapatid ni Azucena upang ma-terminate ang Guardianship ni Dr. Victoria at ganoon din sa mga ari-arian ng pasyente.
Nalaman ng Pilipino Star NGAYON ang pangyayari sa buhay ni Azucena makaraang dumulog ang isang malapit na kakilala ng kanyang pamilya para mabigyan ng atensiyon sa media ang kanyang kaawa-awang kalagayan.
Narito ang huling bahagi ng kasaysayan ni Mrs. Azucena Victorino-Victoria.
Mula nang magbalik sa bansa ang dalawa noong 1996, ang ikinabubuhay ng maga-asawa ay nanggagaling lamang sa malaking pension at maraming mutual fund ni Azucena. Walang trabaho ang kanyang asawa at sinasabing bankrupt pa. Hanggang sa kasalukuyan intact ang mga kabuhayan at ari-arian ni Azucena sa US. Bago sila nagpakasal ni Benjamin, nag-execute si Azucena ng ante-nuptial agreement para maprotektahan ang kanyang ari-arian.
Palibhasay matalino, mahusay makisama at magaling ang PR, si Azucena ang kauna-unahang naging opisyal ng homeowners ng Southridge. Marami siyang nagawang kapaki-pakinabang sa mga homeowners. Madali siyang lapitan at handang tumulong. Palibhasay dating teacher, mahusay siyang magbigay ng payo. Ang kanyang pangalan ay bukambibig na sa Southridge.
Ang kagandahan ng ugali ni Azucena ay pinatutunayan din ng kanyang mga pamangkin. Wala silang masasabi sa ugali ng kanilang tiyahin.
Walang palatandaan na aatakehin ng aneurism si Azucena. Bagamat may hypertension, hindi naman iyon lubhang ikinababahala sapagkat may gamot siyang pang-maintain dito. Naikukuwento ni Azucena ang kanyang kalagayan sa isa niyang pamangkin.
Minsan, sabi raw ni Azucena sa pamangkin, "Hindi na ako umiinom ng gamot para sa hypertension "
Takang-taka ang pamangkin kung bakit itinigil ang gamot na pang-maintain sa high blood pressure. Tinanong niya ang tiyahin kung bakit at ang sagot ni Azucena, "Iyon ang payo ni Benjamin. Itigil ko na raw ang pag-inom ng gamot at alam mo I feel well " nakangiti raw na sabi ni Azucena. Tila kumikislap ang mga mata. Nasa mukha pa rin naman ng pamangkin ang pagtataka.
Hanggang sa sumapit ang trahedya sa buhay ni Azucena noong May 18, 2003. Umaga ng araw na iyon ay nakausap pa ng isang lalaking pamangkin ang kanyang tiyahin at wala namang palatandaan na may aatakeng traidor na sakit. Hapon, dakong alas-singko umano ng hapon, isinugod sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City si Azucena. Inatake siya ng aneurysm. Sinabi ng doktor na nangalaga kay Azucena, nagkaroon ito ng intracerebral and subarachnoid hemorrhage dahil sa ruptured aneurysm. Na-comatose si Azucena. Nagmistula siyang gulay bagamat may reaksiyon pa rin naman ang kanyang mga mata. Hanggang sa kasalukuyan, ganito ang kanyang kalagayan. Kawawang-kawawa.
At nagdurugo ang kalooban ng kanyang mga kapatid sapagkat hindi nila ito madalaw. Kamakailan lamang, namatay ang isa niyang kapatid na lalaki na hindi na nakita kung ano ang kalagayan o itsura ni Azucena. Nag-aalala ang dalawang madreng kapatid ni Azucena na baka hindi na rin nila ito makita. Unti-unting namamatay ang kanilang kapatid. Hinihiling sa Diyos ng mga kapatid ni Azucena, na hindi naman maging masakit ang kanilang paghihiwalay.
(Abangan bukas ang simula ng isa pang kapana-panabik na kasaysayan. Dito lamang matutunghayan sa TC Report ng Pilipino Star NGAYON)