Mga mata sa butas (Ika-81 labas)
July 20, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)
"LA tatahma be zalek," sabi muli ni Ibrahim Al-Ghamdi. Pahintulutan daw siya na makapasok sa kuwarto ni Pacita.
"La," sagot naman ni Pacita. Hindi puwede.
Nagulat daw si Pacita nang abutin ni Al-Ghamdi ang kanyang kaliwang kamay at ilagay sa palad ang pera. Makapal ang pera. Mahigit marahil isang libong riyal iyon. Napalunok siya. Inalis niya ang pagkakaharang ng kanang kamay sa pinto.
Pumasok si Al-Ghamdi. Isinara ni Pacita ang pinto. Hawak niya nang mahigpit ang pera. Nauna si Al-Ghamdi sa loob. Sumunod siya. Naghuhubad na si Al-Ghamdi ng thob. Ang thob ay ang suot na mahabang damit na tila sutana ng pari. Nang hubad na si Al-Ghamdi ay nilapitan si Pacita at ito naman ang hinubaran. Wala nang pagtutol si Pacita. At kung tumutol man siya, makapangyayari pa ba? Kung magsisi- gaw siya ay baka lalo lamang niyang ipinahamak ang sarili. Kapag nabuking sila ng asawa ni Al-Ghamdi ay baka saktan siya at palayasin. Saan siya pupulutin? Kung saan nadapa ay doon na lamang siya babangon. Iyon ang katwiran ni Pacita.
Sabik na sabik pa rin si Al-Ghamdi. Walang pagkapagod. Masiglang-masigla. Takam na takam sa alindog ni Pacita.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended