^

True Confessions

Mga mata sa butas (Ika-67 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)

MABAIT ang mga magulang ni Lucia. Hindi nagdalawang-isip sa pagtulong kay Pacita. Alam ng mga ito na walang kamag-anak si Pacita sa lugar na iyon. Walang ibang tutulong. Naikuwento iyon ni Lucia sa mga magulang.

"Ngayon lang ako nakakita ng ina na pinili pa ang kabit kaysa sa anak niya. Makakarma siya sa ginawa sa iyo, Pacita," sabi ni Aling Ana.

"Ako man ay hindi makapaniwala na ni-rape na ang anak ay ipinagtanggol pa ang mismong nanggahasa. Anong klaseng ina ’yon?"

"Mahuhuli pa po ba Mang Nado ang Benjo na iyon?" tanong ni Pacita.

"Mahuhuli ’yon. Pagdudusahan niya ang ginawa sa ’yo. Pati ang nanay mo maaaring masabit dahil lalabas na kasabwat siya…."

"Okey lang sa akin na makulong ang nanay ko. Sobra ang ginawa nila sa akin," sabi ni Pacita na punumpuno ng hinanakit.

Si Lucia na nakikinig sa usapan ng tatlo ay nakihalo.

"E di makakasama rin sa graduation namin si Pacita, Itay?"

"Oo. Kami na ang bahala sa susuutin niya."

Napaiyak si Pacita. Sana nga ay ang mga ito na ang naging magulang niya at si Lucia ay kapatid niya. Masayang-masaya sana siya.

"O huwag ka nang umiyak Pacita. Sabi ko sa’yo hindi ka pababayaan ng itay at inay ko."

"Maraming salamat po sa inyo…"

Nakasama sa graduation si Pacita. Maligaya siyang nakatapos ng high school. Nang mga panahong iyon ay hindi pa nahuhuli ang rapist na si Benjo. Wala rin siyang balita sa walanghiya niyang ina. Nagpakalayu-layo na ang dalawang demonyo sa buhay niya. (Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

ALING ANA

ANONG

BENJO

ITUTULOY

MAHUHULI

MANG NADO

PACITA

SI LUCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with