Mga mata sa butas (Ika-49 labas)
June 16, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)
IPINAGPATULOY daw niya ang pagbubuhos. Nawala ang narinig na kaluskos. Baka may daga lamang sa kisame kaya siya nakarinig ng kaluskos. At saka paano naman siya masisilipan sa banyo gayong konkreto iyon.
Wala siyang nakikitang butas na maaaring silipan. At sino naman ang maninilip sa kanya. Si Benjo? Hindi naman siguro, naisip daw niya. Mabait na nga si Benjo sa kanya at hindi niya dapat pag-isipan ng masama.
Nagbalot siya ng tuwalya sa katawan. Sa kuwarto na siya magpa-panty. Kailangan niyang makalabas sa banyo sapagkat si Benjo naman ang maliligo.
Nang lumabas daw siya sa banyo ay nakita niyang nakaupo sa sopa si Benjo at tila natutulog. Nakaidlip na yata dahil sa paghihintay sa kanya habang naliligo. Hubad baro pa rin si Benjo at napagmasdan daw niya ang balahibuhing dibdib. Wala pa ang kanyang ina. Kung dumating na ang kanyang ina, siguradong magkasama ang dalawa sa kuwarto. Nagtataka siya kung ano ang idiniliber ng ina at masyadong matagal bago makauwi ng bahay.
Nilapitan niya si Benjo at ginising.
Kumilos si Benjo. Iminulat ang mga mata.
"Ha! Nakaidlip pala ako," sabi na tila naalimpungatan.
Nakatulog nga si Benjo. Paano nga nito magagawang makapanilip ay natulog pala.
"Puwedeng makiusap Pacita?"
"Ano yon?"
"Pakihiluran mo naman ang likod ko mamaya. Ang kati e, puwede?"
Hindi agad siya nakasagot. Parang sumusobra na yata si Benjo. Gayunman ay ayaw niyang mapahiya ito. Napatango siya.
"Mamaya tawagin kita ha?"
"Sige," sagot daw niya at nagtungo na sa kanyang kuwarto para magpanty. Nagtuloy naman si Benjo sa banyo.
Nagtatalo raw ang isip niya kung hihiluran sa likod si Benjo. Baka kung ano ang gawin sa kanya habang hinihiluran niya.
Maya-maya ay narinig niya ang tawag ni Benjo. Itutuloy

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended