^

True Confessions

Mga mata sa butas (Ika-48 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)

PERO tila nagkakamali si Lucia sa pagpaparatang kay Benjo. Nang sumunod na bigyan uli siya ng pera ay hindi na naman isinilid ang pera sa bulsa niya. Iniipit muli iyon sa kanyang palad. Ganoon lang. Siguro nga ay hindi naman sinasadya ang pagkakahipo sa suso niya at garter ng panty nang ilagay ang pera noon. Hindi lang talaga maiwasan na mahipo iyon.

"Mag-ingat ka sa paglalakad," sabi pa ni Benjo sa kanya.

Hindi niya muna isinilid sa bulsa ang perang bigay ni Benjo. Hawak niya ito habang naglalakad at nang nasa dyipni na saka binuklat. Malutong na P100.

Mula noon ay nabawasan ang yamot niya kay Benjo. Mabait naman pala. Siguro nga’y masyado lamang siyang naapektuhan ng mga sinabi ni Lucia at pinalabas na masama si Benjo dahil sa pagkakasumbong niya. Bakit nga ba naikuwento pa niya iyon kay Lucia.

Minsan isang araw ng Sabado, maliligo siya nang kausapin ni Benjo. Ang nanay niya ay nagpunta sa isang kakilala. May iaalok daw na kung ano.

"Matagal ka bang maliligo Pacita?" tanong sa kanya.

"Oo," sagot daw niya. "Bakit Benjo?" hindi raw niya ito tinatawag na Tito.

"Maliligo rin ako. Maalinsangan kasi."

"Pagkatapos ko na lang," sabi ni Pacita.

"Sige."

Nakita raw niya na hinubad ni Benjo sa harapan ang suot na t-shirt. Balahibuhin ang dibdib ni Benjo. Gumagapang ang balahibo mula pusod patungong dibdib. Parang dibdib ng orangutang.

"Ang init talaga!" sabi pa.

Pumasok siya sa banyo. Mabilis na naghubad. Walang shower kaya tabo ang ginamit niya. Sunud-sunod daw ang ginawa niyang pagbubuhos. Nagsabon siya. Buong katawan. Makinis na makinis ang balat niya. Marami rin ang nagsabi na maganda siya at seksi. Sa klase nila ay siya lang ang maganda.

Nagbanlaw siya. Ilang buhos.

Nang makaramdam siya ng tila kaluskos. At pakiramdam niya may nakasilip sa kanya. Parang may mga matang takam na takam sa hubad niyang katawan.

Itutuloy

BAKIT

BAKIT BENJO

BALAHIBUHIN

BENJO

NANG

NIYA

PACITA

SIGURO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with