Ninang Joy (Katapusan)
April 28, 2005 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)
SINABI na namin ang lahat kay Mama. Doon natapos ang aming pag-aartista ni Ninang Joy.
"Bat naglihim pa kayo e hindi naman ako tutol?" tanong ni Mama.
"Kasi Ma, natatakot si Ninang,. Baka raw kung ano ang isipin mo. At saka ang edad naming malayo ang agwat."
"Hindi ako tulad ng ibang ina. Sa iyo pa ba ako tututol e matagal na kitang kilala," sabi at niyakap si Ninang. Ipinadama ang labis niyang pagsang-ayon sa aming relasyon.
"Si Eric Ma ang nagpalakas ng loob ko. Kung hindi ko nga siya nakatagpo sa Saudi baka pawang kabiguan pa rin ang nasa isip ko. Wala na akong balak pang maghanap ng partner."
"Sayang naman ang ganda mo. Sayang ang lahi mo."
Parang may nasundot sa akin. Nagkatinginan kami ni Ninang. Parang nagkaisa kung sasabihin na rin ba namin ang isa pang lihim. Nagpasya akong sabihin na iyon kay Mama.
"Hindi na siya manganganak Ma," sabi kong marahan.
"Bakit?"
"Me deperensiya sa obaryo inverted daw."
"Sigurado nang hndi magkakaanak?"
"Yon ang sabi. Pero ako malakas ang kutob ko na magkakaanak kami," sabi ko at inakbayan si Ninang. "Dib ba?" tanong ko sa kanya.
"Ako man iniisip ko iyon. Kung ano raw ang iyong iniisip yon ang mangyayari."
"Positive thinker ka na nga,"
"Kung hindi kayo magkaanak e ano namang problema. Maaari naman kayong umampon," sabi ni Mama.
"Yon nga ang iniisip namin Ma. Maraming bata na nangangailangan ng magulang."
"Teka huwag na munang pag-usapan ang anak. Ang pag-usapan ay ang tungkol sa kasal."
"Plantasado na Ma ang plano. Naayos na namin ang aming kasal."
Hindi makapaniwala si Mama. Hindi inaasahan sa bilis ng pangyayari.
Naikasal kami ni Ninang. Masasabi kong engrande na ring kasal. Lalo pa kaming naging maligaya nang mairaos ang kasal. Natupad ang pangarap namin.
Hiniling niyang sa Palawan kami mag-honeymoon. Matagal na raw niyang gustong makarating doon. Pagkatapos sa Palawan ay sa Puerto Galera.
Pagkatapos nang mahabang honeymoon ay umalis na rin kami patungo sa Saudi Arabia. Balik trabaho.
Malakas ang kutob ko magkakaanak kami ni Ninang Joy. Positibo ako na ang findings ng doktor ay magbabago. Iyon ang lagi kong inisip. Na isang umaga ay makikita kong maduduwal si Ninang na isang palatandaan na nagbubuntis siya. Walang imposible. Kahit na may edad na siya, puwede siyang magbuntis. Iyon din ang laging iniisip ni Ninang. At kung dalawa kaming nag-iisip nang ganoon, posible ngang mangyari.
At kung mangyayari iyon, ako ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Mayroon na akong JOY.
(Abangan bukas: Mga Mata sa Butas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am