^

True Confessions

Ninang Joy (Ika-102 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)

SI Ninang Joy ang gusto ni Mama na iregalo ko sa kanya. Mas mahalaga pa si Ninang kaysa mamahaling alahas na binili ko sa Saudi. Gusto ko nang sabihin ang lahat kay Mama na "hawak" ko na si Ninang Joy pero nagpigil ako. Hindi dapat masira ang plano.

"Hindi mo ako sinunod Eric. Akala ko pa naman, nagkasundo na tayo tungkol kay Joy," sabi ni Mama na halata kong masama ang loob.

"Mama wala akong ma-feel kay Ninang Joy," sagot ko na lalo pang pinagbuti ang pag-arte. Maluluma ang mga artista.

"Sabi mo sa akin, liligawan mo?"

"Niligawan ko naman siya Ma kaya lang talagang wala akong ma-feel,"

"Wala ka raw ginagawa sabi sa akin ni Joy."

"Meron ‘Ma."

"Yon ang sabi ni Joy sa akin at gusto ko nang maniwala sa sinabi ni Joy…"

Gulat ako. Me nabago yata sa script namin ni Ninang. Hindi ko alam iyon.

"Ano ‘yon ‘Ma?"

"Kasi me duda sa iyo si Joy. Baka raw ano ka…"

"Ano ‘Ma?"

"Bading."

Napahagalpak ako ng tawa.

"Huwag kang magtawa, Eric. Totoo ba ang hinala niya?" seryoso si Ninang.

Lalo akong humagalpak sa katatawa.

"Ba’t naman kaya napaghinalaan ako ni Ninang nang ganoon ‘Ma?"

"Wala ka raw ginagawang aksiyon. Lalamya-lamya ka raw."

Talagang niyari ako ni Ninang.

"Bading ka ba?" tanong ni Mama.

Umakto akong bakla nang sumagot. Pinakulot ko ang aking boses para patawanin si Mam.

"Ano pah?"

(Itutuloy)

AKO

ANO

BATAY

GULAT

HUWAG

JOY

NINANG

NINANG JOY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with