Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-28 labas)
August 10, 2004 | 12:00am
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM. A sadyang binago ng awtor.)
"VIRGIN pa po," sagot ko sa maprangkang tanong ni Ate Tet. Patuloy siya sa pagkulkol ng kuko sa paa. Nakataas ang kanang paa.
"Karamihan sa mga batang kasing-edad mo rito sa Maynila e hindi na virgin," sabi pa at tumingin sa akin. Binitawan ang cuticle remover at ang kaliwang paa naman ang itinaas sa sopa.
Pinaaalalahanan lamang niya. Sa tono ng boses ay nagmamalasakit.
"Marami ritong nagsisipag-asawa nang maaga. Tapos maghihiwalay lang."
"Hindi po ako tutulad sa mga iyon."
"Dapat para matuwa si Ipe."
"Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral."
"Yan ang dapat."
Tumingin nang tuwid sa akin si Ate Tet.
"At huwag kang basta-basta kukuha ng magi- ging siyota. Yang guwapo mong yan tapos virgin pa at mapapunta lamang sa babaing walang kuwenta, sayang lang."
Nagmamalasakit nga lang si Ate Tet.
Mula noon ay naging open na sa akin si Ate Tet. Siya na ang nagkuwento ng buhay niya. Hiwalay sa asawang seaman. Wala na raw siyang balita. Huling pagkaalam niya ay nag-jump sa Hawaii at may- roon nang ibang pamilya. Pinabayaan na silang mag-iina. Ni hindi na nagpapadala ng sustento. Mabuti raw at mayroon siyang mga magulang na medyo maykaya at natutulungan siya. Naroon nga ang dalawang anak.
"Hindi ko akalain na magiging ganito ang buhay ko," sabi niya pagkatapos magkuwento.
Nakadama ako ng awa kay Ate Tet.
"Mabuti nga nakilala ko si Ipe. Kung hindi baka naloka-loka na ako dahil sa mga dumating na problema sa akin."
Hindi ako kumukurap sa pagkakatingin kay Ate Tet. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am