KAHIT alam ko kung ano ang ginagawa nina Kuya Felipe at Ate Tet sa kuwarto naiintriga pa rin ako. Paano kayang ayos nila? Nakatanim sa akin ang nakita ko noon na "nangangabayo" at "kumakain ng bala" ang isang babaing dinala ni Kuya Felipe. Ganoon din kaya si Ate Tet. Kasi sa tingin koy mas desente si Ate Tet kaysa sa mga babaing dinadala ni Kuya noon sa aming dating tirahan. Baka hindi kaya ang ganoong "pangangabayo" at pagkain ng bala. Desenteng babae si Ate Tet. Kaya nga marahil ito ang tinuluyang pakisamahan ni Kuya Felipe.
Ipinagpatuloy ko ang pagwawalis pero hindi doon nakapokus ang atensiyon ko kundi sa nangyayari sa kuwarto nina Kuya Felipe. Napabuntonghininga ako nang sunud-sunod. Maya-maya pay nagtungo ako sa comfort room. Doon nag-imagine nang sagad-sagad.
Makalipas ang isang buwan ay okey na ang pag-alis ni Kuya Felipe patungong Riyadh, Saudi Arabia.
Bisperas ng pag-alis ay walang ginawa si Ate Tet kundi ang yumakap kay Kuya Felipe. Nilinisan ng kuko ang mga kamay at paa. Nakikita kong panay na panay ang halik.
"Sulat ka agad pagdating mo roon ha Ipe?
"Oo. Bukod sa sulat tatawag din ako."
"Baka mamatay ako sa lungkot dito."
"Lumabas ka ng bahay. Pagkatapos ng trabaho mo, manood ka ng sine. Isama mo ang mga anak mo."
"Naku, hindi ako mahilig sa sine."
"Padadalhan kita agad ng pera para makabili ka ng malaking tv. Palitan mo na yang 14 inches na tv natin," sabi ni Kuya Felipe at hinalikan sa labi si Ate Tet.
Kinabukasan ay hindi na nagpahatid si Kuya Felipe sa airport. Mas malulungkot daw siya. Ayaw daw niyang makitang nalulungkot si Ate Tet.
Bago umalis ng bahay ay sinabihan akong pagbutihan ang pag-aaral. Tinapik ako sa balikat.
"Sige bahala ka na kay Ate Tet mo, Jimpoy," at umalis na. Hindi na lumingon.
Ilang minuto pa lamang naka-aalis ay bumunghalit ng iyak si Ate Tet. (Itutuloy)