^

True Confessions

Ang kasalan ko kay Kuya Felipe

- Ronnie M. Halos -
MAMAYA-MAYA ay biglang bumagsak ang tubig sa banyo. Para bang sadyang binuksan para ang nangyayari sa loob ay maitago. Malakas ang bagsak ng tubig pero ang ungol na nanggagaling doon ay hin-di makaliligtas sa aking pandinig. Sadya yatang matalas ang aking pandinig.

Ang ungol ay hindi naman sa isang sinasaktan. Daing na para bang nagmamaka- awa ang aking naririnig. Daing ni Ate Tet. Ganoon ba talaga iyon. Ang pagmamakaawa ni Ate Tet ay mas sa isang nakikiusap.

Pinilit kong kalimutan ang nangyayari sa loob ng banyo. Pinilit kong huwag idrowing sa isipan ang kanilang ginagawa o maski ang itsura nila. Masagwa. Nagkakasala ako kay Kuya Felipe. Hindi dapat.

Mabilis kong inayos ang mga pasalubong ni Kuya Fe-lipe. Ibinalik ko lahat iyon sa kahon. Inayos kong mabuti.

Tamang-tamang natatapos kong ayusin ang laman ng kahon ay narinig ko ang pagbubukas ng pinto ng banyo.

Hindi ko sila sinulyapan.

"Kunin mo na diyan ‘yung para sa iyo Jimpoy. Nike yon,"

"Opo Kuya Felipe."

Nagtuloy sa kuwarto ang dalawa.

Kinuha ko ang Nike sa kahon. Binuksan. Maganda. Sunod sa uso.

Mabait talaga si Kuya Felipe. Walang kasing bait.

(Itutuloy)

vuukle comment

ATE TET

BINUKSAN

GANOON

IBINALIK

INAYOS

ITUTULOY

KUYA FE

KUYA FELIPE

OPO KUYA FELIPE

PINILIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with