^

True Confessions

Laro sa Putikan (Katapusan)

- Ronnie M. Halos -
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia

(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)


SA ilang taon ding pagniniig namin ni Kuya Jeff ay naging maingat ako na huwag magbuntis. Alam kong mag-ingat. Pero sa pagkakataong ito, hindi ako nag-ingat. Para ano pa at matatakot akong mabuntis? Gusto kong magkaroon na ng bunga ang pagmamahalan namin. Ngayon pa ba ako mag-aalala na wala naman palang tutol sa aming relasyon. Tanggap na. Naimadyin ko ang mga mangyayari sa amin. Masayang pamilya. Wala nang kaguluhan. Tapos na ang pagsubok.

Masarap magmahal si Kuya Jeff. Ang may dalawang taon naming paghihiwalay ay lalo lamang nagdagdag para uminit at walang kasing sarap ang pagniniig. Talo pa nga ang bagong kasal. Pero hindi kami nagmamadali. Hindi katulad noon na para bang laging may huhuli sa aming paglalaro. Ngayo’y banayad na banayad ang lahat. Ang dampi ng mga labi sa aking katawan ay naghahatid pa ng kakaibang sensasyon.

"Gusto mo na?" tanong ni Kuya Jeff.

"Bahala ka."

"Mamaya pa."

"Bahala ka nga."

Sinasabi ko lang iyon pero ang totoo gusto ko na. Bahala nga siya. Ako’y tila papel sa isang malawak na karagatan na lulutang-lutang. Nagpapadala sa mahinhing tulak ng alon. Maaliwalas ang karagatan. Walang unos. Masaya ang bukas para sa amin. Nakikita ko. Nadarama ko.

"Gusto ko na," sabi niya.

"Bahala ka nga," sabi kong may diin.

Iyon ang hudyat.

"Kuya Jeff. Kuya Jeff!" iyon ang tangi kong nasabi at sa minsang pagtagilid ng bangkang papel ay natilamsikan ng tubig dagat. Nilamon ng dagat ang papel. Buong-buo.

(Wakas)

vuukle comment

ALAM

BAHALA

BUONG

IYON

KASAYSAYAN

KUYA JEFF

MAALIWALAS

PERO

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with