^

True Confessions

Laro sa Putikan (Ika-117 labas)

- Ronnie M. Halos -
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia

(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)


KINABUKASAN ng tanghali, nagpaalam ako sa aking supervisor. Sinabi kong may pupuntahan. Emergency lang. Isang British-American ang supervisor. Sabi ko’y mga alas-tres ng hapon ay babalik din kaagad ako. Pinayagan ako.

Mula sa Olayah ay sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa Al-Rawdah. Madaling nakita ng taxi driver ang Food Basket supermart. Nasa may highway iyon patungong Dammam Road. Eksaktong ala-una ay naroon na ako. Katatapos lamang ng pangtanghaling salah o dasal.

Kakaunti pa ang mga namimili sa Food Basket. Sabi ko kay Ate, sa may entrance na lamang kami ng Food Basket kami magkita. Wala pa siya. Naghintay ako. Pagkalipas ng 10 minuto ay nakita ko ang babaing papalapit. Naka-abaya. Si Ate na! Payat ito. Malayung-malayo sa ganda ng katawan may isang taon na ang nakaraan. Siguro’y nanibago sa klima dito sa Riyadh. Nag-aadjust din sa pagkain.

Nakita agad ako ni Ate. Mabilis na lumapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

Nang makalapit ay humalik sa aking pisngi si Ate.

"Jean, mabuti naman at ikaw ang nauna rito. Natatakot ako na baka makitang motawa."

"Ano namang ikatatakot mo sa motawa?" tanong ko.

"Mababagsik daw sila di ba?"

Napatango ako.

"Doon tayo sa burger house," yaya ko.

"Sige, nagugutom na nga ako."

"Hindi ka pa rin kumakain?"

"Hindi pa."

Umorder ako ng chicken burger at fries, dalawang Coke. Habang kumakain ay nagkuwento nang nagkuwento si Ate tungkol sa kanilang dalawa ni Kuya Jeff. Ipinagtapat ang buong pangyayaring kataksilan niya kay Kuya Jeff. Inamin niya ang lahat. Totoo nga na nagkaroon siya ng lalaki.

Hindi naman ako nagpahalata na alam ko na ang buong pangyayari. Nagkunwari akong walang nalalaman sa pagsasama nila.

"Natukso kasi ako Jean. Hindi ko nalabanan ang tukso. Batambata pa kasi ang lalaki at mahusay."

"Saan mo nakilala?"

"Waiter sa isang hotel. Nag-attend ako ng isang seminar. Nakilala ko."

"Tapos?"

"Ibinigay niya ang cell number niya."

"Tinawagan mo?"

"Oo."

"Pagkatapos?"

"Nagkita uli kami."

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

DAMMAM ROAD

FOOD BASKET

ISANG BRITISH-AMERICAN

KUYA JEFF

RIYADH

SABI

SAUDI ARABIA

SI ATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with