^

True Confessions

Laro sa Putikan (Ika-98 labas)

- Ronnie M. Halos -
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia

(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)


"TANG-INANG kapatid mo, kaya pala kahit na napakarami kong perang ipinadadala sa kanya noong sa barko pa ako ay walang matira dahil ibinibigay niya sa kabit niya!"

Gimbal ako. Ano ang nangyaring ito? Si Ate may kabit!

"Kaya pala wala siyang bukambibig sa akin noon kundi magpadala ako nang magpadala ng pera. Iyon pala’y para gastusin sa lalaki niya," sabi pa ni Kuya Jeff na tila hindi mauubusan ng sasabihin tungkol kay Ate.

"Walanghiya ang kapatid mo Jean. Kulang pa pala itong ginawa nating pagsasama rito para ganti sa kanya…"

Ako ay nanatiling nakatingin sa kanya. Talaga kayang ganito ang nangyari sa aming dalawa, ang nagkaroon ng relasyon para kabayaran sa sinasabi ni Kuya Jeff na pagtataksil ni Ate?

"Noong umuwi ka ba wala kang napansin sa Ate mo?" tanong sa akin na parang gusto nang umiyak.

"Yung pagiging sexy niya. Madalas daw kasi siya sa gym."

"Nagpapa-sexy siya para sa lalaki niya. Hindi para sa akin kundi sa lalaki na kalahati pa ang edad niya. Langya, mahilig pa sa bata."

Gimbal ako. Ibig sabihin mga 18 o 19 ang kabit ni Ate. Kaya nga siguro haling na haling. Kaya kahit maubos ang pera e sige lang.

"Akalain mo nagpapakamatay ako sa pagtatrabaho rito para lamang may maipadala sa kanyang malaking pera iyon pala ay gagastusin lamang sa lalaki niya."

Napansin ko nga rin na wala man lamang mga bagong gamit sa bahay nina Ate. Iyon at iyon pa rin. Ang katawang sexy at sangkaterbang damit ang nakita ko. Pati ang dalawang anak ay wala akong nakitang bagong damit o sapatos at masaklap pa, natuklasan kong sa public school nag-aaral.

"Alam mo ba Jean, kung anong sakit ng anak kong bunso?"

"Ano?"

"Dengue. Nakagat sa school. Buong akala ko nasa isang magandang school ang dalawa mong pamangkin, yon pala nasa public."

Sa pagkakataong iyon ay ako ang umiyak. Naawa ako kay Kuya Jeff at sa aking dalawang pamang-kin. Nagsimula namang magkaroon ng galit sa dibdib ko dahil sa mga ginawa ni Ate. Bakit niya ginawa iyon?

"Bobo raw ako, hindi raw marunong mag-isip, tanga at kung anu-ano pa. Kaya siguro ako tinaehan sa ulo."

Umiyak pa ako. Saka pagkatapos ay niyakap ko siya. Sinusuyo. Ako na ang humihingi ng paumanhin sa malaking kasalanan na nagawa ng kapatid ko.

"Kuya Jeff narito naman ako. Huwag ka nang mag-isip nang kung anu-ano nariyan na iyan. Ako na lang ang isipin mo."

"Kung wala ka paano na kaya ako Jean?"

Naisip ko baka magsuicide siya sa sama ng loob.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANO

ATE

IYON

KAYA

KUYA JEFF

NIYA

SAUDI ARABIA

SI ATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with