JAMIAS 'Treinta mil para pumatay' (93)
February 2, 2004 | 12:00am
MAKARAAN ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang gunman at pati na ang lookout. Pero mas mabilis nga ang mga bata ni Col. Jamias at nakipagbarilan sa tumatakas na suspect. Tinamaan sa hita ang gunman na nakilalang si Nestor Cuares, 23, residente ng Del Pan, Tondo
Mabilis na tumawag si Lumactod kay Jamias sa opisina nito at walang sinayang na panahon si Jamias at mabilis na sumugod sa crime scene. Mabilis namang isinugod sa ospital ang binaril na social worker sa Mary Johnston Hospital subalit hindi na umabot. Isinugod naman sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang suspect na si Cuares na may tama ng bala sa hita.
Ipinagtapat ni Lumactod kay Jamias na siya ang pakay ng gunman. Kung ano ang motibo ay hindi sinabi.
Matapos gamutin ang gunman sa ospital ay sinimulan nang halukayin ang kaso. Nalaman ni Jamias na isang lalaki ang lumapit kay Cuares nang umaga ng January 24. Ang lalaki umano ay residente rin ng Baseco.
"Gusto mong magkapera?" tanong daw ng lalaki kay Cuares.
"Paano?"
"Madali lang," sabi umano ng lalaki.
"Magkano?"
"Meron akong treinta mil dito."
Nanlaki umano ang mga mata ni Cuares nang marinig ang treinta mil.
"Sige," sabi ni Cuares pagkaraan.
Dumukot daw ang lalaki ng pitaka at kinuha roon ang treinta mil.
"Eto."
"Paano ko makikilala?"
"Etong retrato niya."
Inabot umano ni Cuares ang retrato. Iyon ang retrato ni Bgy. Baseco chairwoman Teresita Lumactod.
"Okey na? Kilala mo na?" tanong daw ng lalaki.
Tumango si Cuares.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended