Jamias (Ika-11 labas)
November 12, 2003 | 12:00am
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)
MATINDI ang tensiyon ng taong 1983. Lalong tumindi nang patayin si Ninoy Aquino sa tarmac ng Manila International Airport. Namatay si Ninoy subalit nabuhay ang dugo ng mga Pilipino para lumaban sa rehimeng Marcos. Kabi-kabila ang mga nagra-rally. Marami ang sumisigaw ng katarungan sa mga dinukot at ipinapatay umano ni Marcos at General Fabian Ver.
Sa isang baguhang pulis na tulad ni Elmer, isang malaking pagsubok ang kanyang kinaharap. Natoka siya sa anti-riot squad ng Western Police District. Doon siya unang nasabak. Bininyagan sa mapanganib na pagharap sa mga ralista. Bilang pulis mayroong batas na dapat sundin. Taga-protekta ng taumbayan at taga-depende ng Konstitusyon. Ang pakikipaggirian sa mga nagra-rally ay nakasisira ng utak.
Subalit kalmado si Elmer. Walang kaba o takot. Natural ang tagpong iyon. Napag-aralan na niya ang sitwasyon. Handa na siya sa salpukan at iyon ay itinuturing niyang pagsubok sa kanyang kakayahan bilang alagad ng batas.
Nang ilibing si Ninoy noong August 1983, kabilang si Elmer sa mga pulis na nagbantay sa Taft Avenue. Doon idinaan ang napakahabang libing ni Ninoy Aquino. Parang dagat ng tao ang kalsada na tila walang katapusan ang prusisyon. Ang unahan ng libing ay nasa Taft Avenue na subalit ang buntot ay nasa Sto. Domingo Church pa. Nakaabang lamang sina Elmer sa dinadaanan ng libing. Nasa mukha ng mga kasama sa prusisyon ang galit at panghihinayang kay Ninoy.
Nakahinga lamang nang maluwag si Elmer nang unti-unti nang dumalang ang mga tao. Paunti nang paunti habang papatapos ang prusisyon. Hanggang sa tuluyang mawala ang dagat ng tao.
Ilang buwan ang nakalipas, isang bagong pagsubok kay Elmer ang dumating. Lumala ang holdapan sa mga pampasaherong dyipni.
Dakong alas-dos ng hapon sa Taft Avenue, tatlong holdaper ang umatake sa isang pampasaherong dyipni. Pero malas ng tatlong holdaper sapagkat sa dyipning iyon nakasakay si Elmer. Naka-sibilyan lamang si Elmer. Bumunot ng balisong ang dalawa pagtapat sa Philippine General Hospital at nag-deklara ng holdap.
Kumilos si Elmer, nagpakilalang pulis. Ang isa ay tumalon sa dyipni samantalang ang natiray sinaksak si Elmer. Maliksing nakaiwas si Elmer sa saksak. Tumalon din ang holdaper sa dyipni makaraan siyang saksakin. Binunot ni Elmer ang kanyang service firearm pinaputukan ang holdaper. Sapol sa binti. Bagsak.
Hinabol ni Elmer ang isa pang holdaper na tumakas.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am