^

True Confessions

Susie san: Japayuki (Ika-56 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang mga pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may akda sa pakiusap na rin ng nagtapat.)

NANG sumunod na linggo ay nasa bahay na naman si Roy. Tanghali noon. Wala si Toshi. Kasama ni Itay sa isang car dealer sa Balintawak. Hindi ako nakasama sapagkat walang magbabantay kay Trina.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" sabi ko sa kanya.

Ngumisi lang si Roy. Ngumuya nang ngumuya na ani-mo’y kambing. Nasa may pintuan siya. Hindi ko ibinubukas nang malaki ang pinto at baka magpilit pumasok.

"Ano ba ang kailangan mo?" tanong ko.

"Hindi pera ‘no?"

"E ano?"

"Ganito," idinutdot ang hinturo sa kaliwang palad. Sex ang gusto ng walanghiya.

"Ulol!"

"Sinong ulol?"

"Ikaw."

Nagalit. Nagpilit pumasok. Walang nagawa ang pagharang ko sa pinto. Malakas ang walanghiya.

"Huwag kang pumasok dito! Walanghiya ka!" sigaw ko.

Naitulak ako. Naibukas niya ang pinto at pumasok. Walang pangiming umupo sa green na sopa. Hindi tumitigil sa pagnguya.

"Gusto kong humin––t," sabi na sa tingin ko ay may kargang shabu.

"Ulol ka. Umalis ka. Baka dumating ang asawa ko."

"Aha, tamang-tama wala pala si Sakang…"

Nagsisi ako kung bakit nasabing wala si Toshi.

"Umalis ka nang walanghiya ka!"

"Alam ko gusto mo rin ito. Matanda na yung sakang di ba? Ito bata pa."

"Walanghiya!"

"Sige na. Kahit tatlong putok lang."

"Ulol ka. Bangag!"

"Sige na. O gusto mo pang magwala ako rito. Alam ko gusto mo rin ito."

"Hindi ko gusto ‘yan. Umalis ka na!"

Hanggang sa makarinig ako ng pumaradang sasakyan sa harap ng bahay. Nagmamadali akong sumilip sa bintana. Si Toshi!

"Andiyan na si Toshi!" nanginginig ang boses ko.

"Pakialam ko!" sabi ng walanghiya.

(Itutuloy)

ALAM

ANDIYAN

SI TOSHI

SIGE

TOSHI

ULOL

UMALIS

WALANG

WALANGHIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with