^

True Confessions

Susie san: Japayuki (Ika-12 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

NAUNA pa ako kay Roy sa hintayan namin sa Crossing. Halos kalahating oras akong nakatayo. Mabuti na lamang at mahaba ang pasensiya ko. Nang dumating ay para bang balewala sa kanya ang paghihintay ko.

"Ang ganda mo," ang sabi sa akin.

Sapat naman ang bating iyon para malimutan ko ang naramdamang pagkainis. Guwapo pa rin si Roy, malakas ang sex appeal, iyon nga lang, parang weird. Sa kabila niyon, mahal ko siya. Wala nang iba.

"Ang bango pa. Siguro ambango rin niyan…" inginuso ang harap ko.

"Ugok. Tena na nga."

Pumara siya ng taxi. Sumakay kami.

"Sa Sta. Mesa bossing," sabi ni Roy at kumindat sa driver. Nakuha agad ng driver ang ibig sabihin. Sumibad ang taxi.

Walang trapik kaya saglit lamang ay nasa Sta. Mesa na kami. Nakabulaga na ang pangalan ng motel. Pumasok ang taxi sa loob. Siyut.

Ilang sandali pa nasa loob na kami. Ilang beses na kaming nagmotel ni Roy. Maraming beses ko nang naibigay ang sarili sa kanya. Tanda nang pagmamahal ko. Kapag mahal mo ang isang tao, lahat ay maaaring maibigay. Kahit siguro kaluluwa.

"Wala bang nakialam na sakang dito?" tanong at inginuso "iyon". Nakalatag ang katawan namin sa malambot na kama.

"Ugok. May makulit ngang Hapon doon, pero hindi ko pinansin."

"Owww."

"Talaga. Ikaw lang ang nag-iisang papasok dito."

Tiningnan ako nang mata sa mata. Kumilos. Nakiliti ako sa ginawa. Inulit. Gumapang ang kilabot sa katawan ko. Walang kupas si Roy. Marunong gumising. Mahusay gu-mawa ng alimpuyo. Hayop talaga. Sa oras na iyon, nakalimutan ko ang lahat. Ang lahat-lahat pati ang babalikan kong trabaho sa Kamakaura City. Wala akong naisip kundi si Roy. Kumalat na sa buo kong katawan ang ginawa niyang alimpuyo.

"Hayop ka Roy! Hayop!" gusto kong sabihin subalit sinarili ko na lamang. Idinaan ko na lamang sa sunud-sunod na paghinga ang naranasang sarap at linamnam. (Itutuloy)

vuukle comment

GUMAPANG

HAYOP

ILANG

KAMAKAURA CITY

ROY

SA STA

UGOK

WALA

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with