^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-105 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

MASAYA ang muli naming pagkikita ng kapatid kong si Dang. Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahan kong nadama ng mga sandaling iyon na magkita kami. Isa na namang pangarap na natupad. Ano pa ang hihilingin ko?

"Ang ganda mo lalo Ate Sol," sabi ni Dang na hindi bumibitiw sa pagkakahawak sa aking braso, "ang kinis-kinis at mukha kang mayaman na."

"Maganda ka rin Dang at parang wala ka ng problema."

"Mabait kasi si Ate Josie," sabi at sumulyap kay Ate Josie na noon ay nakatingin sa amin. Masayang-masaya rin ito sa aming pagkikita ni Dang.

"Dito tayo sa loob," sabi ni Dang.

Nang makapasok na kami sa loob ay nagpaalam si Ate Josie. Magpapahanda raw ng pagkain.

Noon ko nalaman ang lahat kay Dang. Si Ate Josie ang gumawa ng paraan para makaalis si Dang sa aming bahay na nagsasawa na rin sa mga ipinakikitang ugali ni Tatay at ni Ate Neng. Nadagdagan ang problema nang magdala ng babae si Tatay at nagsama na. Hindi na makayanan ang araw-araw na pag-aaway ni Ate Neng at ikalawang asawa ni Tatay at ipinasyang sabihin kay Ate Josie ang problema. Dahil tutol ako na maglayas at hindi ko rin naman siya kayang kupkupin, hiniling kay Ate Josie na tulungan siyang makapasok sa fastfood at nang makapag-aral din. Nagmakaawa raw siya kay Ate Josie na kupkupin din.

"Ikaw pa ang tanggihan ko e kapatid ka ni Marisol. Kung mabait si Marisol, tiyak na mabait ka rin," sabi raw sa kanya ni Ate Josie noon.

Inilagay siya sa isang branch ng JOSIE’S sa may Kalentong. Taga-silbi rin. Sa gabi ay nag-aaral siya ng Business Administration sa PUP sa Sta. Mesa. Si Ate Josie rin ang nagplano ng mga schedule. Mahigpit lamang ang bilin ni Ate Josie na ilihim iyon sa akin. Kung bakit inilihim sa akin ay hindi sinabi.

Nasa second year na si Dang sa kanyang kurso.

"Nalalaman ko ang magagandang pangyayari sa buhay mo Ate, sinasabi sa akin ni Ate Josie. Alam ko, natupad na ang pangarap mo."

"Ngayon ay ako na ang magpapaaral sa iyo," sabi ko.

"Paano si Ate Josie?"

"Hindi ka pa naman aalis sa kanya."

Sa puntong iyon pumasok si Ate Josie na dala ang aming lunch. Maraming pagkain.

"Selebrasyon na ito sa muli ninyong pagkikita." Sabi nitong masayang-masaya.

(Itutuloy)

ATE

ATE JOSIE

ATE NENG

ATE SOL

BUSINESS ADMINISTRATION

DANG

JOSIE

SI ATE JOSIE

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with