^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-80 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

NALAMAN ko rin kay Dang na walang trabaho ang asawa ni Ate Neng at umaasa na lamang sa magulang na padampot-dampot din ng trabaho. Sabi pa ni Dang, sa tingin daw niya ay sabik na sabik sa pagkain si Ate Neng. Para bang gutum na gutom.

"Minsan inabutan ko si Ate Neng na kumakain sa tindahan natin. Parang noon lang nakakita ng pagkain. Ibinibili siya ni Inay ng pagkain sa karinderya. Pagkatapos kumain saka uuwi. Natatakot marahil na maabutan ni Tatay sa puwesto."

"Bakit ba hindi pa siya patawarin ni Tatay?"

"Ewan ko."

"Problema niya sa panganganak. Saan sila kukuha ng gagastusin e wala ngang trabaho ang asawa niya."

"Tiyak na si Inay ang lalapitan. Sino pa ba ang tutulong kundi si Inay din."

"Kung bakit kasi maagang lumandi si Ate Neng. Di ba noon ako ang pinagbintangan na nakikipagligawan at ako ang pinagmumura ni Tatay."

"Oo nga."

"Sa bandang huli si Inay ang kawawa. Si Inay ang kakargo sa gastusin. At kapag may anak na siguradong si Inay din ang bahala."

Ilang linggo ang nakalipas ay nanganak si Ate. Isang batang lalaki ang isinilang at si Inay nga ang lihim na gumawa ng paraan para mabayaran ang gastos sa panganganak. Hindi ko alam kung paano nakaipon ng pera si Inay. Pero labis akong humanga sa aking ina, dahil sa liksi ng kilos at pag-iisip kung paano gagawa ng paraan para matulungan si Ate Neng. Walang kaalam-alam si Tatay na mayroon na silang apo. At sa pagkakaroon ng apo, madalas itong dalawin ni Inay lalo na kung Sabado at Linggo. Madalas ikuwento na cute ang kanyang apo. Nakita ko ang labis niyang katuwaan. Para bang ang mga pait na idinulot ni Ate Neng sa maaga nitong pag-aasawa ay napawi dahil sa apong lalaki.

Pero ang kasiyahan palang iyon ay magkakaroon ng kapalit sapagkat napansin namin ang unti-unting panghihina ng katawan ni Inay. May pagkakataon na hindi niya mabuksan ang tindahan sa palengke kung umaga dahil sa bigat ng katawan.

"Hindi ko kaya ang katawan ko Marisol. Kayo na muna ni Dang ang bahala sa pagluluto ng inyong kakainin…"

Sabi ni Inay at nakikita ko ang pamumutla niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

(Itutuloy)

ATE

ATE NENG

BAKIT

EWAN

INAY

PERO

SABI

SI INAY

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with