Maria Soledad (Ika-66 labas)
June 26, 2003 | 12:00am
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong iusap ng nagtapat.)
UMIYAK si Inay dahil sa katigasan ni Tatay na patawarin si Ate Neng kahit halatang ang pride nito ang nangingibabaw.
"Huwag mong papupuntahin dito ang punyetang iyon. Kahit pa ano ang mangyari sa kanya, wala na akong pakialam," sabi pa ni Tatay.
Lingid sa amin, lihim palang nagkakausap si Inay at si Ate Neng. Palibhasay ina, hindi matiis na hindi makita ang itsura ni Ate Neng na noon ay halata na ang kabuntisan.
Sa pagkukuwento ni Inay, nahihirapan si Ate Neng sa pagbubuntis. Gayong tatlong buwan pa lamang ay kung anu-ano na ang idinadaing. Masakit ang balakang, masakit ang likod. Normal iyon sa isang babaing nanganganay, sabi naman ni Inay.
At kapag ikinukuwento ni Inay sa akin ang mga pinag-usapan nila ni Ate Neng, hindi ko rin maiwasang hindi maawa kay Ate Neng. Paano na lamang ang kanilang buhay na mag-asawa. Dumadaing na sa hirap si Ate Neng. Palamon sila ng biyenan na ang trabaho ay padamput-dampot. Kulang pa sa bibig ang suweldo.
"Kawawang-kawawa ang Ate Neng mo," sabi sa akin. "Kulang na kulang sa pagkain. Ang pisngi ay butuhan. Hindi niya dinanas dito yon," pagkaraan ay umiyak si Inay.
"Bakit hindi nyo ikuwento kay Tatay at baka sakaling patawarin na," sabi ko. Si Dang man ay ganoon din ang suhestiyon.
"Ginawa ko na. Matigas talaga ang tatay nyo. Hindi ko alam kung anong klaseng ama yan."
Pinahid ni Inay ang luha.
"Inabutan ko ng pera ang Ate Neng mo. Sabi ko ibili niya ng vitamins o prutas. Kailangan kasi niya iyon dahil buntis siya."
"Baka naman hindi niya ibili at kunin pa ng asawa niya."
"Sabi ko, kapag nagkita kami, bibigyan ko uli siya."
"May trabaho ba ang asawa ni Ate Neng?"
"Nag-aaplay daw sa isang konstruksiyon."
"Mabuti kung kaya niya ang trabaho roon."
"Kailangang kayanin niya dahil magkakaroon sila ng anak," sabi ni Inay at muling umiyak.
Sinikip ni Inay na magkaroon ng sariling pagkakakitaan kaya nang makaipon ng pera ay sinikap na makakuha ng puwesto sa palengkeng malapit sa amin. Pinadalhan siya ng pera ng kaibigang babae nasa Italy. Yung babaing gusto akong ampunin noon. Ako ang naging katulong ni Inay sa pagtitinda sa palengke kung Sabado at Linggo. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am