^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-15 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

NANG matapos ang alimpuyo ng bagyong buhangin sa kanilang katawan at humupa ang init ng papalapit na tag-init, nakadama ng pagsisisi si Inay. Dalawang tao ang kanyang "sinaktan". Una si Tatay at ikalawa si Mariam.

Mas matindi ang nadama niyang pagsisisi nang maalala si Mariam sapagkat araw-araw ay kasama niya ito sa bahay. Nakakokonsensiya na makita ang taong "sinaksak niya sa likod". Parang hindi niya kaya. Iniputan niya sa ulo ang kawawang si Mariam na ang turing sa kanya ay kapatid. Malalim ang iniisip niya.

"Muskila
Lindah?"

Nagulat umano si Inay sa tanong ni Mohammed. Nakalatag pa ang katawan nito sa kama. Ang dibdib na nangingitim sa balahibo ay nakalutang sa puting sapin ng kama. May problema raw ba?

Bumangon si Inay at inabot ang bulaklaking daster na yaring Malaysina na iniregalo ni Mohammed minsan. Isinuot. Hinagilap ang puting panty at isinuot din.

"Kaifa yakun haza?"


Sa kawalan ng maisagot ay naitanong daw ni Inay kay Mohammed. Ano ang mangyayari ngayong naganap na ang kasalanan nila.

"Don’t worry," maliksing sagot naman ni Mohammed at bumangon. Dinampot ang puting thob at isinuot. Dinampot ang gutra. Walang pagsisisi sa mukha.

Nang makapagbihis ay sinabi pa raw kay Inay, "Ma zababo hoznak?" Ba’t daw masyadong nag-woworry si Inay. Huwag daw matakot.

Ganoon man, hindi naalis ang pangamba ni Inay. Bakit nga ba napapayag kaagad siya na makipagniig kay Mohammed. Ni hindi man lamang siya nakatututol. Ni hindi na rin naisip na maaaring mabuntis siya sa pagsasalong iyon.

Nang dumating si Mariam kinagabihan ay hindi siya makatingin dito ng deretso. Sa pakiwari ni Inay ay may dumudurong patalim sa kanyang utak. Bakit niya nagawang "pagtaksilan" ang babaing ito na ubod ng bait.

"Anoh iyoh iniiship Lindah?" tanong ni Mariam.

"La shai."
(Wala).

"Qol li."
(Sabihin mo sa akin).

Umiling siya. Gusto raw ni Inay umiyak dahil sa malaking kasalanang nagawa kay Mariam. (Itutuloy)

vuukle comment

ANO

ANOH

BAKIT

BUMANGON

DINAMPOT

INAY

LINDAH

MARIAM

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with