^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-14 na Labas)

- Ronnie M. Halos -
WALANG namagitang usapan sa kanilang dalawa. Ang kapangyarihan ng amo ang namayani at ang alipin ay walang magawa kundi ang sumunod. Ang amo ang nag-alis ng saplot ng alipin. Walang tutol ni gaputok man ang sunud-sunurang alipin. Hindi ganap na inalis ang lahat ng sagabal. Itinira ang kapirasong saplot. Pinagsawa ang tingin sa nakabuyangyang na mga hinog na prutas. Parang namamalikmata. Parang noon lamang nakakita ng kayumangging mga papaya. Hindi pa gaanon napipinsala ang mga papaya sa kabila na mayroon nang nakahawak. Mayabang pa rin sa pagkakatayo.

Kumilos ang amo at lalo lamang umingit ang kamang bakal. Lumangitngit na para bang kulang na kulang sa langis ang mga turnilyo. Nag-alis ng saplot ang amo at lumantad ang balahibuhing dibdib. Mula dibdib pababa. Gumagapang hanggang sa tiyan patungo sa kaangkinan na naghuhumindig sa pagkasabik. Ang disyerto ay kayang-kayang diligin ng ulan.

Gusto ni Inay iyon. Sa mga oras na iyon wala siyang ibang naisip kundi silang dalawa sa kuwadradong silid. Hindi niya naisip si Tatay at si Ate Neng. Maski ang mabait na among si Mariam ay hindi na nagkaroon ng puwang sa kanyang isipan. Tao siya na madaling makalimot.

Ang kanilang pagsasalo ay binabasag paminsan-minsan ng ingit ng kamang bakal at mahinhing ingay ng aircon.

Dinilig ng masaganang tubig ang kauhawan ng disyerto sa bahaging iyon ng Riyadh. Nabuhay ang ilang halaman nang makasipsip ng katas. (Itutuloy)

ATE NENG

DINILIG

GUMAGAPANG

INAY

ITINIRA

ITUTULOY

KUMILOS

LUMANGITNGIT

MARIAM

MASKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with