^

True Confessions

Koronang tinik (Ika-85 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)

NATANGGAP akong P.E. teacher sa isang unibersidad – sa high school department. Tuwang-tuwa ako sapagkat natapos din ang matagal kong pagkakatambay. Hindi na ako manghihingi ng pera kay Ate. Bagamat maliit lamang ang suweldo, para sa akin ay malaking biyaya na iyon sapagkat nailigtas ako sa "panlilimos" sa aking kapatid. Sa totoo lang, kahit na wala namang sinasabi sa akin si Ate tungkol sa panghihingi sa kanya, nahihiya rin ako. Pakiramdam ko’y wala akong silbi. Pabigat.

Nang malaman ni Ate ang pagkakaroon ko ng trabaho ay natuwa rin ito. "Pagbutihin mo para madali kang umasenso. Tingnan mo ako..."

Hindi na ako sumagot.

"Magkano naman ang suweldo?"

"Maliit lang. Pero okey na kaysa tambay at nanghihingi."

"Kailangan mo lamang ng experience. Pag tumagal, lumipat ka sa ibang school na mas malaki ang suweldo. Ikaw kasi ayaw mong mag-Hong Kong o Canada."

Hindi ako sumagot.

"Anong balita mo sa atin?" tanong at parang ayaw pang deretsahin na tungkol sa kanyang "baboy" na asawa at "makating" ina ang gusto niyang malaman.

"Wala. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa sila."

Tumalikod na si Ate.

Kung si Ate ay may interes pang malaman ang nangyayari kina Rocky at Inay, ako ay wala na. Nang umalis kami noon, makaraang mailibing si Tatay, naipangako ko sa aking sarili na wala na akong pakialam sa kanila. Kahit pa sinabi ko noon kay Ninang Violy na pakitingnan ang aming bahay, iyon ay sa kawalan lamang ng masasabi. Kahit ano ang gawin nina Inay at Rocky doon, wala na akong paki.

Ilang buwan pa ang nakalipas, hindi ko akalain na makikita si Ninang Violy. Sa Tutuban shopping center kami nagkita. Bumibili ako ng damit, si Ninang naman ay bumibili ng kanyang mga gamit sa kanyang canteen sa DPWH branch na pinagtatrabahuhan ni Rocky. Si Ninang ang nagkuwento ng mga nangyayari sa aming bahay. Maraming kuwento. Ayaw ko na sanang marinig pa subalit kailangang mapakinggan. Tuluyan nang nagsama ang aking ina at si Rocky.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

GINA

HONG KONG

INAY

KAHIT

NANG

NINANG VIOLY

SA TUTUBAN

SI NINANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with