^

True Confessions

Koronang tinik (Ika-75 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper

sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)


KUNG makikita ko si Rocky sa oras na iyon na ipinapasok sa nitso ang kabaong ni Tatay ay baka nagwala na naman ako. Subalit sa buong apat na araw na paglalamay ay hindi na nagpakita si Rocky. Mula nang suntukin ko siya habang nagma-mahjong ay hindi ko na nakita. Marunong din palang matakot at siguro ay mahiya. Nakabawas kahit kaunti sa problema namin na hindi makita ang lalaking naging "uod" sa aming pamilya.

Kasabay sa paghagulgol ko ay nakisabay naman sa pag-iyak ang aking pamangkin. Para bang naintindihan niya na ang mga naganap ay malaki ang kaugnayan ng kanyang ama at lola. Inilabas ko nang lahat ng sama ng aking loob. Nakaalalay si Ninang sa akin. Si Ate, alam ko ay tahimik ding umiiyak.

Ni hindi ko na sinulyapan si Inay na may ilang dipa lamang ang layo sa amin. Naalala ko ang sinabi ni Ninang na igalang ang pananahimik ni Tatay.

Nang maipasok nang ganap ang kabaong sa loob ay lalo pa akong pumalahaw ng iyak. Nabasag ang katahimikan.

"Tatayyy! Tatayyy!"

Kasunod niyon ay ang sunud-suhod ko pang pagsigaw at hindi ko rin napigilan na murahin ang aking ina. Nalimutan ko ang paalala. Hindi ko na inintindi kung anuman ang sabihin ng mga taong nasa paligid. Gusto kong mailabas ang matagal nang galit na nasa aking dibdib.

Nagulat na lamang ako nang malamang hinimatay pala si Ate. Hindi na nakayanan ang matinding kabiguan sa nangyari. Alam ko mas nasaktan siya hindi sa pagkamatay ni Tatay kundi sa pagkakadiskubre ng lihim nina Inay at Rocky. Matagal din bago nahimasmasan si Ate. Ako na ang umakay sa aking pamangkin.

Nagsimula nang mag-alisan ang mga taong nakiramay. At hindi ko inaasahan ang isang taong makikita roon. Si Jean ang aking dating siyota.

Hindi ko pinansin si Jean subalit siya na ang lumapit sa akin at nag-offer ng pakikiramay.(Itutuloy)

vuukle comment

GINA

HONG KONG

INAY

NANG

NINANG

SI ATE

SI JEAN

TATAY

TATAYYY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with