MALASWA na naman ang nakita kong tagpo. Hindi na sila marunong magtago. Hindi marahil inaasahan na darating ako ng ganoong oras, alas-kuwatro ng hapon. Dati nga naman ay pasado alas-sais o alas siyete na akong dumarating. Masakit ang aking ulo dulot ng menstruation kaya ipinasya kong umuwi.
Nasa may pinto ang dalawa. Nakabukas ang pinto at tanaw na tanaw ang kahalayan. Nakaluhod si Inay sa harap ni Rocky. Abalang-abala sa pagkain ng "saging". Bahagyang nakapikit si Rocky. Gimbal ako. Isa na namang bagyo ang aking naranasan. Dagdag sa dati nang nakita. Umatras ako. At huli na sapagkat nakita na ako ni Rocky. Nakalarawan sa mukha nito ang pagkagulat.
Hindi ko na hinintay pa ang mga susunod. Mabilis akong bumaba ng bahay at naglakad pagawi sa direksiyon ng bahay nina Jean. Bahala na.
Takang-taka si Jean nang dumating ako.
"Kala ko’y masakit ang ulo mo," sabi nito.
"Okey na ako. Wala akong magawa sa bahay," pagsisinungaling ko.
"Samahan mo na lamang ako."
"Saan?"
"Kukunin ko kay Ms. Arenas ang test paper ko."
Sinamahan ko. Matamlay ako habang naglalakad kami. Naalala ko na naman ang nakitang kalaswaan sa bahay. Ang malandi kong ina at sinagad na ang pagputong ng ipot sa aking ama. Kung bakit kasi napakahinang klase ng aking ama! Walang silbi!
Hindi namin naabutan si Ms. Arenas sapagkat may pinuntahang party. Niyaya ko na lamang si Jean na manood ng sine kahit masakit ang ulo ko.
"Baka gabihin tayo."
"Saglit lang tayo. Maaga pa."
Pumayag si Jean. Mayroon naman akong pera kaya walang problema. Hindi sikat ang pelikulang pinanood namin. Hindi na ako nagpahinay-hinay pa. Muli kong dinama ang lusog ng dibdib ni Jean. Galit na galit ang palad ko sa paghawak doon. Nilamutak ko nang ayos. Habang ginagawa iyon, nakikita ko naman ang malaswang nangyayari sa bahay. Si Inay habang kinakain si Rocky. Hindi na marunong magtago ang makakapal ang mukha! (Itutuloy)