^

True Confessions

Koronang tinik (Ika-33 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)

PUSONG lalaki sa katawan ng isang babae. Ako iyon. Tumubo sa aking pagkatao mula nang masaksihan ang kataksilan ng aking ina at bayaw. Namuhi ako sa aking ina at labis na kinaawaan ang aking ama at kapatid. Wala akong magawa. Samu’t sari ang mga isipin dulot ng problemang iyon. Gusto ko ng tumulong para wakasan ang masamang bangungot subalit hindi ko naman kaya. Ako na rin ang natatakot sa maaaring mangyari kung isumbong ang natuklasan kong kataksilan. Ang epekto ay ang pagkamuhi ko sa lalaki at sa aking ina. Naipon ang init sa aking dibdib na nagresulta sa apoy ng galit.

Kung maaari ay ayaw ko nang makita ang aking ina at bayaw. Mas madalas ay sa kaklase kong Jean ako nagpapaabot ng gabi. Paglabas sa school ay kami ang magkasama. Subalit kahit na magkasama kami ni Jean, hindi ko sinasabi sa kanya ang nangyayaring "milagro" sa aming bahay. Inililihim ko iyon. Walang makaaalam kundi ako.

"Ba’t ang ikli ng gupit mo Gina, para kang t-bird niyan," minsan ay bati sa akin ni Jean.

"Ganito ang gusto ko."

"Parang gusto ko nang maniwala na tomboy ka nga," sabi pa at tumawa nang may pagkaharot.

"Ano naman ang masama kung t-bird?"

"Loka ka talaga. Pagnalaman sa school na umaasta ka ng ganyan baka patalsikin ka."

"E ano?"

"Ano bang nangyayari sa iyo?"

"Gusto kita."

At aywan ko kung paano ko nagawang nahalikan si Jean sa labi. Na sa pagtataka ko naman ay nagpaubaya na rin sa akin. Kinalikaw ng dila ko ang loob ng mabango niyang bibig. Inilabas din niya ang dila at lumaban. Kaming dalawa lamang sa salas ng kanilang bahay. Wala ang kanyang magulang at kapatid.

Gumapang ang kamay ko at sinapo ang malalaking boobs. Iyon ang unang karanasan ko sa kapwa ko babae. Nagdulot iyon sa akin ng kakaibang tapang para masundan pa. (Itutuloy)

AKING

ANO

GANITO

GINA

GUMAPANG

HONG KONG

INILABAS

INILILIHIM

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with