^

True Confessions

Koronang tinik (Ika-32 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)

KAWAWA naman si Tatay at si Ate subalit wala akong magawa. Hindi ko kayang ipagtapat sa kanila ang aking natuklasan. Naisip ko, bahala na silang makatuklas sa mga milagrong nangyayari.

Mula nang makita ko ang pagtataksil nina Inay at Rocky, ay malaki na ang nabago sa aking pag-uugali. Naging matigas na ang aking dibdib. Tumapang ako. Maski sa school ay may nakapansin sa akin. Bakit daw parang naging matigas ang aking boses. Noon daw ay kaya akong asarin ng mga kaklase naming lalaki subalit ngayon daw ay iba na. Marunong na raw akong lumaban.

Hindi naman ako magsasalita sa napupuna sa akin.

Hanggang may sumibol na pagbabago sa aking katauhan. Parang mas gusto kong kasama ang aking kapwa babae. Nagkakagusto ako sa kapwa ko babae. Humahanga. Naramdaman ko ang pag-usbong ng pusong lalaki.

Hindi ko iyon naitago minsang nasa canteen kami ng kaklase kong si Jean. Si Jean ay maganda. Maliit lamang siya subalit maganda ang hubog ng katawan. Mula first year ay kami na ang magkasama. Magkatabi rin kasi kami sa upuan.

"May nakahalik na ba sa’yo Jean," tanong ko. Nakatingin ako sa malalaki niyang boobs na halatang-halata sa puting uniporme. Nagulat si Jean at saka tumawa.

"Wala pa no? Ala naman akong boyfriend." At saka para naghihinalang tumingin sa akin nang tuwid. "Ba’t mo naitanong Gina?"

"Wala. Nagagandahan kasi ako sa ’yo..."

"Ano?"

"Nagagandahan ako sa ’yo," ulit ko.

Tinampal ako sa braso ni Jean.

"Huwag mong sabihing nato-tomboy ka sa akin."

"Masama ba?"

Lalong nabadha sa mukha ni Jean ang pagtataka. (Itutuloy)

vuukle comment

AKING

AKO

ANO

GINA

HONG KONG

MULA

NAGAGANDAHAN

SI JEAN

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with