Halimbawa ng mga anak (Ika-69 labas)

True to life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula, Commanding Officer ng WPD-Mobile.

SI Sapitula ang pinakabatang naging hepe ng District Mobile Patrol Unit (DMPU) ng Western Police District. Nanungkulan siya noong November 5, 1998. Sa loob lamang ng maikling panahon na pinamunuan niya ang DMPU marami na siyang pinatunayan para mapaglingkuran ang taumbayan at durugin ang masasama sa lipunan. Ipinakita niya na ang pagkakahirang sa kanya bilang hepe ng DMPU ay hindi nasayang. Mula November 1998 hanggang February 1999, nakaaresto ang kanyang unit ng 22 katao dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1866 at nakakumpiska ng nang may 22 assorted firearms.

Para mapagbuti ang pamumuno sa kanyang unit, patuloy na nag-aaral si Sapitula at dumadalo sa mga seminar. Ayon sa kanya, isang paraan iyon para makakuha ng bagong kaalaman na may kinalaman sa kanyang propesyon. Noong 1991 ay nagtungo siya sa US at sumailalim sa Post Blast Course at noong 1999 ay sumailalim sa Police Intervention Course. Marami pang training at conference siyang dinaluhan.

Isa sa ipinagmamalaki ni Sapitula ay ang hindi niya pagdungis sa kanyang uniporme. Iyon ang kanyang iniingatan bilang alagad ng batas. At ang ganitong katangian ay naipamalas niya sa kanyang dalawang anak na lalaki na si Ralph at Roemiko.

Ipinagsama niya ang dalawang anak sa WPD isang araw ng Sabado at nagkataon naman na isang Intsik ang nagtungo roon para bigyan siya ng pabuyang pera dahil sa ginawa niyang tulong dito. Tinanggihan niya ang pera. Nakita iyon ng dalawang anak. (Itutuloy)

Show comments