^

True Confessions

Tiklo ang nanuhol na Intsik (Ika-61 labas)

- Ronnie M. Halos -
(True-to-life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula, commanding officer ng WPD-Mobile.)

NAPANGITI lamang si Sapitula makaraang sabihin ng Chinese na si Martin Yyang na babalik ito kinabukasan para ayusin ang pagpapalaya sa limang Chinese nationals na nahuli dahil sa traffic violation at pagmamaneho ng lasing.

Isang balak ang naglalaro sa isipan ni Sapitula nang mga sandaling iyon. Tuturuan niya ng leksiyon si Yyang kapag bumalik ito kinabukasan.

Subalit wala pang isang oras ang nakalilipas ay muling tumawag si Yyang kay Sapitula at sinabing kailangan na niyang palayain ang limang Chinese. Muling binanggit ang tungkol sa P20,000 na isusuhol niya. Nakulitan na si Sapitula at bumuo na ng pasya laban kay Yyang nang oras ding iyon.

"Okey, sige pumunta ka na rito ngayon din," sabi ni Sapitula at saka mabilis na kinontak ang Channel 7 reporter na si Michael Fajatin at ang cameraman ng PTV 4 para ma-video ang gagawing panunuhol ni Yyang. Mabilis na dumating ang dalawang taga-tv.

Dakong alas diyes ay dumating na si Yyang. Nakangiti pa ito nang pumasok sa opisina ni Sapitula. Inilabas nito ang perang nasa sobre at malaki ang pagkakangiting sinabi: "Sabi ko nga ba ikaw payag. Malaki rin pera ito. Eto na beinte mil..."

Nang iniaabot na ang pera ay nagkislapan ang camera at nagliwanag dahil sa ilaw ng Channel 7 at PTV 4. Huling-huli sa akto si Yyang. Hindi makapalag sa intrapment. Inaresto siya ni Sapitula nang oras ding iyon dahil sa paglabag sa Article 212 ng Revised Penal Code. Nakakita ng katapat ang Chinese na si Yyang. (Itutuloy)

DAKONG

ETO

HULING

INARESTO

MARTIN YYANG

MICHAEL FAJATIN

REVISED PENAL CODE

ROMULO E

SAPITULA

YYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with