^

True Confessions

'Me hostage! kailangan si Sapitula' (Ika-18 labas)

- Ronnie M. Halos -
True to life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula,Commanding Officer ng WPD-Mobile

IISA sa pinakamabigat na trabaho ng isang pulis ay ang makipagnegosasyon sa hostage taker. Mas matindi at mabigat ito kaysa makipagratratan o makipaghabulan sa mga halang ang kaluluwa. Buhay ang nakataya kapag may hostage-taking. Isang munting pagkakamali at tiyak na kamatayan ang hahantungan ng biktima. Maaaring mapatay ang hostage-taker subalit madadamay ang biktima. Ganito kabigat ang mga sinuong ni Sapitula.

Limang mabibigat na hostage-taking ang kanyang napagtagumpayan. At kapag binabalikan niya ang nakaraan hindi niya akalaing magagawa niya ang ganoon kabilis na pagpapasya sa oras ng kagipitan. Gawin ang pinakamabilis na paraan para mailigtas ang buhay. Hindi dapat masiraan ng loob.

Isa sa pinakamabigat na hostage-taking na kanyang napagtagumpayan ay nangyari noong May 16, 1999 dakong alas-2:45 ng hapon sa 1725 V. Fugoso St. Sta. Cruz, Manila. Hinostage ng isang 24-year old na security guard ng Colonial Security Agency ang kanyang employer at dalawang anak nito.

Si Sapitula na noon ay Chief Inspector pa lamang ang nagresponde sa hostage-taking. Pinaposisyon niya ang kanyang mga tauhan at sinimulan ang pakikipagnegosasyon kay Dante Apiag, ang nanghostage. Matindi ang tensiyon sapagkat nagmatigas si Apiag. Handang pumatay at mamatay sa pagkakataong iyon. Hindi ito nakikinig sa pakikipagnegosasyon ni Sapitula. Ang mga hostages ay ikinulong sa kuwarto.

Nagpatuloy naman si Sapitula sa pakikipagnegosasyon sa nagmamatigas at sa wari’y desperadong si Apiag. Dumaan ang mga oras at tila wala nang paraan para mapasuko ng maayos si Apiag. Sa labas ng bahay ay nagkumpol ang maraming tao at halos hindi humihinga sa nagaganap na hostage drama. Ikinatatakot nila na baka tuluyan nang magdilim ang paningin ng sekyung si Apiag at ratratin ang mag-aamang hostages.

Buhay ang mahalaga! Iyon ang unang sumilid sa isipan ni Sapitula. Sa isang iglap ay nagpasya siya. Dapat nang agawin nila ang baril kay Apiag!

(Itutuloy)

APIAG

BUHAY

CHIEF INSPECTOR

COLONIAL SECURITY AGENCY

COMMANDING OFFICER

DANTE APIAG

FUGOSO ST. STA

HOSTAGE

ROMULO E

SAPITULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with