^

True Confessions

True Confession ni Nelia, isang DH sa HongKong: 'Na-feel ang Pinas'

- Ronnie M. Halos -
(Ika-49 labas)
NAG-LIMOUSINE ako sa pagtungo sa Batha. Ang karaniwang taxi cab sa Riyadh ay kadalasang tinatawag na limousine. Hindi ko alam kung bakit. Narinig ko lamang iyon kay Mr. Mayman. Hindi ako maaaring sumakay sa bus sapagkat bawal. Hindi maaaring makihalo ang mga babae sa lalaki sa pagsakay sa bus. Hindi tulad sa Pilipinas na halu-halo ang mga pasahero.

Hindi naman pala kalayuan ang Batha sa aming tirahan. May 20 minutes lamang itong tinakbo ng limousine. Ang aming tirahan ay nasa Olaya District. Tinandaan kong mabuti ang aming dinaanan para hindi ako maligaw na pawang napapaligiran ng mga business at wala pang 20 riyals ang aking ibinayad sa Pakistaning driver.

Maganda nga pala ang Batha sapagkat makikita roon ang mga department store at kainang Pinoy. May Kamayan, Aristocrat, SM at iba pa. Na-feel ko nga tuloy na ako ay nasa Pilipinas.

Una kong pinasok ang isang department store at bumili ako ng damit, bra at panties. Pagkaraan ay sa isang shoe store. Isang mamahaling sapatos ang binili ko. Nasa isang malaking shopping bag ang aking pinamili. Mabigat.

Pagkatapos ay sa isang gold store ako pumasok. Pumili ako ng alahas. Isang matabang kuwintas ang napili ko. Maganda. Halagang isang libong riyals. Binili ko.

Palabas na ako sa gold store nang isang babaing Pinay ang aking nakita. Ang aking kapitbahay sa Pinas. Napakaliit ng mundo. Nagdalawang-isip ako kung iiwasan o babatiin ang aking kapitbahay.(Itutuloy)

AKO

BATHA

BINILI

HALAGANG

ISANG

MAGANDA

MAY KAMAYAN

MR. MAYMAN

OLAYA DISTRICT

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with