^

True Confessions

True Confession ni Nelia, isang DH sa Hong Kong: 'May malasakit pa rin ako'

- Ronnie M. Halos -
(Ika-47 labas)
ANG mga perang ibinibigay sa akin ni Rashid ay maingat kong itinatago sa aking kuwarto. Sino ang mag-aakala na may malaki akong pera buhat sa aking among tinedyer. Kahit na gusto ko nang bumili ng mga alahas at ilang kagamitan sa aking kuwarto ay pinipigilan ko ang aking sarili. Kapag bumili ako ng mga bagong gamit ay mahahalata nina Mr. and Mrs. Mayman. Magtataka kung saan ako kumuha ng perang ipinambili niyon. Hindi naman malaki ang pinasasahod nila sa akin. Baka maging daan iyon upang matuklasan ang lihim namin ni Rashid. Kaya tinimpi ko ang aking sarili na huwag gumastos. Ang aking suweldo ay ipinadadala ko sa aking mag-aama. Kahit naging masama na ako sa kanila, may natitira pa namang malasakit sa akin. Kahit na matigas ang aking ulo, naroon pa rin ang pag-aalala ko.

Magda-dalawang taon na ako kina Mr. Mayman nang magpasya akong bumili ng alahas. At si Rashid pa ang nag-udyok sa akin na bumili. Itinuro niya sa akin ang isang tindahan sa Batha na maaaring bilhan ng mga alahas. Ganoon si Rashid, inaalala ako. Gusto kong sabihin na siya na ang bumili para sa akin subalit naaalala ko na baka maging mitsa pa iyon nang pagkakatuklas ng aming relasyon.

Sinabi ni Rashid na sa Batha raw ay maraming Filibin. Doon daw ang tagpuan ng mga Filibin sapagkat maraming tindahan (shouk) at maraming produkto na galing sa Pilipinas. Sa totoo lamang ay hindi pa ako nakalalabas ng bahay at ang tanging naabot ko lamang ay ang grocery na malapit sa aming tirahan.

Isang Biyernes ng umaga ay nagpaalam ako kina Mr. and Mrs. Mayman para magtungo sa Batha. Nagtataka si Mrs. Mayman sa aking gagawin sa Batha. Nanlalaki ang mga mata. (Itutuloy)

AKIN

AKING

AKO

BATHA

FILIBIN

ISANG BIYERNES

KAHIT

MR. MAYMAN

MRS. MAYMAN

RASHID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with